Pumunta sa nilalaman

Neurosiyensiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Neuroscience)

Ang neurosiyensiya o neuro-agham ay ang makaagham na pag-aaral ng utak at ng isipan at ng buong sistemang nerbyos. Nakakatulong ito sa pag-unawa kung paano natin nauunawaan at nakikipag-ugnayan sa panlabas na kapaligiran, at partikular na ang kung paanong ang karanasan ng tao at biyolohiya ng tao ay nakakaimpluwensiya sa bawat isa. Ang mga pag-aaral nito ay maaaring kabilangan ng henetika, biyokimika, pisyolohiya, parmakolohiya, at patolohiya ng sistemang nerbyos. Sa nakaugalian, tinatanaw ang neurosiyensiya bilang isang sangay ng mga agham na pambiyolohiya. Subalit, kamakailan ay nagkaroon ng mga pagsasagawa upang mailapit dito ang maraming mga kaugnay na mga larangan, kasama na ang sikolohiya, agham na pangkompyuter, estadistika, pisika, at medisina.

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.