Nicole
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Nicole | |
---|---|
Kapanganakan | 19 Enero 1977[1]
|
Mamamayan | Chile |
Trabaho | artista, mang-aawit, manunulat ng awitin, gitarista |
Si Denisse Lillian Laval Soza (ipinanganak sa Santiago de Chile noong 19 Enero 1977), na mas nakikilala sa larangan ng musika bilang Nicole ay isang mang-aawit ng pop rock sa Tsile. Ang kaniyang karerang pangmusika ay nagsimula noong 1989, noong pinatnugutan niya ang kanyang unang album na pangmusikang pinamagatang Tal vez me estoy enamorando (Mahal Pa Rin Kita) noong 1989 sa ilalim ng tatak ng BMG noong kalagitnaan ng dekada ng 1990, kung kailan naibenta ang mahigit sa 120,000 na mga kopya ng kanyang diskong pangmusika na Esperando nada (Naghihintay sa Wala) (1994) at Sueños en tránsito (Mga Pangarap Habang Naglalakbay). Pagkaraan ay lumagda siya ng kontrata para sa Maverick Records ni Madonna at inilabas ang Viaje infinito (Walang Hanggang Paglalakbay) noong 2002 mula sa Estados Unidos, na nagtamo ng isang nominasyon sa Grammy Latino. Noong 2006, pinakawalan niya ito sa ilalim ng kanyang sariling tatak na APT., isang disko na nirekord sa Miami at iminaster sa Londres.
Ang kanyang karerang pangmusika ay nagging isang repertoryong nagpapabagu-bago magmula sa musikang pop na mayroong mga elemento ng soul, rock at elektronika na sumailalim sa mga produktor na katulad Tito Dávila, Gustavo Cerati at Andrés Levin. Nakipagtulungan din si Nicole sa mga diskong inakdaan na kasama ang Marciano, Rosario Mena, Pedro Frugone, Alamedas, Francisco González ng Lucybell at sa mga parangal na pangmusika para kina Inti Illimani at Mauricio Redolés.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Musika at Tsile ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.