Night Changes

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang "Night Changes" ay isang awiting nirekord ng Britanikong banda na One Direction. Isinulat ito ng mga kasaping sina Niall Horan, Zayn Malik, Harry Styles, Liam Payne at Louis Tomlinson, katuwang sina Jamie Scott, Julian Bunetta at John Ryan, habang hinawakan naman ang produksiyon nito nina Bunetta at Ryan. Inilabas ang awitin noong 14 Nobyembre 2014 bilang kanilang ikalawang isahang awit (single) mula sa kanilang ikaapat na studio album na Four (2014).