Pumunta sa nilalaman

Panliligaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nililigawan)
Dalawang mangingibig na nagliligawan.
Dalawang paru-parong nagliligawan.

Ang ligaw, panliligaw o pagligawo paniningalang pugad Naka-arkibo 2023-01-20 sa Wayback Machine.[1][2] ay isang gawain ng taong nanunuyo sa kanyang taong napupusuan. Tinatawag din itong pangingibig.[1]

Isang tradisyunal o nakagawiang kultura ang panliligaw ng isang lalaki upang maipahayag niya ang kanyang damdamin para sa babaeng kanyang iniibig. Isa itong paraan ng panunuyo bago humantong sa kasunduan ng pag-iisang dibdib (engagement) at kasal (marriage). Sa panahon ng ritwal ng ligawan, karaniwang lumalabas o nagde-deyt (dating) ang mga magkasintahan o magiging magkasintahan upang magkakilala sila ng lubusan at makapagdesisyon kung maaari silang magkaroon ng kasunduang magpakasal sa hinaharap. Sa paraan na ito, maaari silang kumain sa labas, manood ng sine, pumunta sa mga handaan at sayawan (pasayaw), at gumawa ng iba pang mga gawaing pang-magnobyo at pang-magnobya. Mayroong mga nakapagliligawan dahil sa makabagong teknolohiya internet o iba pang mga aktibidad na pang-kompyuter, at telepono (katulad ng chat, text message, pagpapadala ng mga litrato), at maging sa paggamit ng mga makalumang paraan gaya na lamang ng pagpapadala ng liham sa kanyang bahay, pagpapadala ng mga bulaklak, mga awitin, o regalo.


May ligawan ding nagaganap sa daigdig ng mga hayop, katulad ng mga mamalya, ibon at isda.Iba-iba ang kanilang pamamaraan ng pagsuyo sa kanilang iniibig.

Mga uri ng panliligaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga piling uri ng panliligaw:[1]

  • Ligaw-tingin- ang tawag sa panunuyong ginagamitan ng mga galaw ng mata at mga bahagi nito, katulad ng sulyap at kindat.
  • Ligaw-ligawan- ang panliligaw na sa una'y pabiro ngunit maaaring magiging totohanan.
  • Ligaw-biro- ang panliligaw na may halong pagpapadamang pisikal.
  • Ligaw-manok- ang panliligaw na may halong pagmamagaling at pagpapakitang-gilas [sa mabuting paraan, hindi hambog]

Sa mga kanayunan sa Pilipinas, bukod sa panghaharana at paninilbihan, isa pang kaugalian ang pag-akyat ng ligaw o pagdalaw ng binata sa tahanan ng kanyang iniibig na babae. Sa pamamaraan na ito, maaaring manghiram ang kabataang lalaki ng aklat o anumang babasahin bilang pagsubok sa babae: isang pag-alam kung may gusto rin at pauunlakan ito ng sinisintang dalaga. Kapag nagpahiram ang babae ng babasahin, mataimtim na makapag-iipit ang dalawa ng mga lihim na liham para maipaalam nila ang kanilang mga damdamin para sa isa't isa. Lihim ito sapagkat kapag dumadalaw ang isang lalaki sa tahanan ng babae, naroroon ang mga magulang nito, na kinakaharap din ng binatang nanliligaw. Hindi lamang ang usaping pag-ibig ang napag-uusapan kapag kaharap ang mga magulang ng dalaga, kabilang dito ang taya ng panahon, politika, at iba pang mga bagay na mapag-uusapan. Isang tanda na may pag-asa ang lalaki na maging kasintahan ang babae kung magpahiram ang dalaga ng babasahin, ang aklat ang nagsisilbing simula at "tulay" ng kanilang unang pag-uugnayan.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Ligaw". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Panliligaw". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Courtship patterns, isang pagtalakay sa gawi ng panliligaw sa nayon". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)