Pumunta sa nilalaman

Harana

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Panghaharana)
Isang lalaking nanghaharana sa dilim.
Isang lalaking nanghaharana bagaman mataas pa ang araw. Sinusuyo niya ang isang babaeng ibig maging kasintahan, habang kapiling ang mga kaibigang kababaihan ng binibini.

Ang harana o serenata[1] ay ang awit o tugtugin na isinasagawa isang gabi mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking manliligaw sa may ibaba ng bintana ng bahay ng kaniyang babaeng nililigawan. Iniaalay niya ang tugtugin at awit para sa kaniyang sinisinta, nang sa gayon mapagwagian niya ang puso ng sinusuyo at iniibig. Karaniwan itong nagaganap sa mga lalawigan. Madalas ding sinasaliwan ng tugtugin mula sa isang gitara ang kumakantang tinig ng lalaking mangingibig.

May isang kompanya sa Pilipinas - HARANA.PH (http://www.harana.ph) - ang nag-iisang kompanya na nagpapadala ng harana o surpresa sa inyong minamahal sa Pilipinas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Harana, serenata, serenade". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Kalinangan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.