Pumunta sa nilalaman

Nineveh

Mga koordinado: 36°21′34″N 43°09′10″E / 36.35944°N 43.15278°E / 36.35944; 43.15278
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nineveh
نَيْنَوَىٰ
Ang muling itinayong Bakod ng Mashki ng Nineveh (na winasak ng ISIL)
Nineveh is located in Iraq
Nineveh
Kinaroroonan sa Iraq
Nineveh is located in Near East
Nineveh
Nineveh (Near East)
KinaroroonanMosul, Gobernoratong Nineveh, Iraq
RehiyonMesopotamiya
Mga koordinado36°21′34″N 43°09′10″E / 36.35944°N 43.15278°E / 36.35944; 43.15278
KlaseTirahan
Lawak7.5 km2 (2.9 mi kuw)
Kasaysayan
Nilisan612 BCE
KaganapanLabanan ng Nineveh

Ang Nineveh ( /ˈnɪnvə/; Arabe: نَيْنَوَىٰNaynawā; Siriako: ܢܝܼܢܘܹܐ‎, romanisado: Nīnwē;[1] Acadio: 𒌷𒉌𒉡𒀀 URUNI.NU.A Ninua) ay isang sinaunang lungsod ng Asirya sa Itaas na Mesopotamiya na matatagpuan sa labas ng Mosul sa modernong Iraq. Ito ay matatagpuan sa silangang bangko ng Ilog Tigris at ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Imperyong Neo-Asirya na wumasak Kaharian ng Israel (Samaria) at nagpatapon ng ng mga mamamayan nito sa Asirya noong ca. 722 BCE. Ang Nineveh ang pinakamalaking lungsod sa buong mundo sa loob ng 50 taon hanggang 612 BCE nang ito ay bumagsak sa koalisyon ng mga bansang sinakop ng Asirya na mga Babilonyo, Medes, Scythiano, at Cimmeriano.

Mga dingding ng Nineveh sa panahon ng haring Asiryo na si Ashurbanipal. 645-640 BCE. British Museum BM 124938.[2]
Guhit ng mga palasyo ng Asirya mula sa The Monuments of Nineveh ni Sir Austen Henry Layard, 1853

Ang pangalang Ingles na Nineveh ay hinango sa Latin Nīnevē and Septuagint Greek Nineuḗ (Νινευή) under influence of the Biblical Hebrew Nīnəweh (נִינְוֶה),[3] mula sa Wikang Akkadiyo naNinua (var. Ninâ)[4] o Wikang Lumang Babilonyo na Ninuwā.[3] Ang orihinal na kahulugan nito ay hindi malinaw ngunit maaaring tumukoy sa patrong Diyosa. Ang kuneiporma para sa Ninâ (𒀏) ay nangangahulugang isang isda sa loob ng isang bahay (ikumpara sa wikang Aramaiko na nuna, "isda"). Ito ay maaaring nilayon na "Lugar ng Isda" o isang Diyosa na nauugnay sa Isda o Ilog Tigris na posibleng mula Wikang Hurriano]. Ang lungsod ng Nineveh ay kalaunang inalay sa Diyosaang si Ishtar ng Ninevah at ang Nina ang isa sa mga pangalan ng Diyosang Ishtar sa Wikang Sumeryo at Wikang Asiryo. Ang salitang נון/נונא in Lumang Babilonya ay tumutukoy sa genus na Anthiinae ng isda[5] na karagdagang nagpapakita ng posibilidad ng ugnayan sa pagitan ng Nineveh at isda.

Sa Aklat ni Jonas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Jonas na isinulat pagkatapos ng pagpapatapon sa Babilonya, inutusan ni Yahweh si Jonas na tumungo sa Nineveh upang humula laban sa kasamaan ng mga mamamayan ng lungsod ng Nineveh. Gayunpaman, siya ay tumakas kay Yahweh at tumungo sa Jaffa at naglayag sa Tarshish. Nang magkaroon ng malakas na bagyo, ang mga tao sa barko ay nagpalabunutan at nalamang si Jonas ang sanhi ng bagyo. Siya ay itinapon sa dagat at ang bagyo ay huminto. Pagkatapos siya ay milagrosong kinain ng malaking isda at nasa loob ng tiyan nito sa loob ng 3 araw at 3 gabi. Nanalangin si Jonas kay Yahweh at inutusan ni Yahwen ang isda na isuka si Jonas. Muling inutusan ni Yahweh si Jonas na tumungo sa Nineveh at humula na ang Nineveh ay wawasakin ni Yahweh sa 40 araw. Ang hari ng Asirya at mga mamamayan ay nag-ayuno, nagsuot ng sako, at nagsisi sa kanilang kasalanan at hindi na itinuloy ni Yahweh ang pagwasak sa Nineveh.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Thomas A. Carlson et al., "Nineveh — ܢܝܢܘܐ " in The Syriac Gazetteer last modified June 30, 2014, http://syriaca.org/place/144.
  2. "Wall panel; relief British Museum". The British Museum (sa wikang Ingles).
  3. 3.0 3.1 Oxford English Dictionary, 3rd ed. "Ninevite, n. and adj." Oxford University Press (Oxford), 2013.
  4. "Nineveh", Encyclopaedia Judaica, Gale Group, 2008{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  5. Jastrow, Marcus (1996). A Dictionary of the Targumim, Talmud Babli, Talmud Yerushalmi and Midrashic Literature. NYC: The Judaica Press, Inc. p. 888.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

HeograpiyaBibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.