Pumunta sa nilalaman

Ningishzida

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang "baseng libasyon ni Gudea" na may dragong Mushussu na inalay kay Ningishzida (ika-21 sigo BCE short chronology).

Si Ningishzida (sum: dnin-g̃iš-zid-da) sa relihiyong Mesopotamiano ang Diyos na Sumeryo ng Gishbanda malapit sa Ur. Siya ang Diyos ng mundong ilalim. Ang kanyang pangalan sa wikang Sumeryo ay isinalin na "panginoon ng mabuting puno".[1] Siya ay inilalarawan bilang isang ahas na may ulo ng tao. Si Ningishzida ang pinakamaagang alam na simbolo ng mga ahas na nakapulupot sa palibot ng isang tungkod na aksiyal. Ito ay mas nauna sa Caduceus ni Hermes, tungkod ni Asklepios at tungkod ni Moises ng higit sa isang libong taon.

Sa mitolohiyang Sumeryo ni Adapa, siya ang isa sa dalawang bantay ng makalangit na palasyo ni Anu. Si Ningishzida ay namagitan para kay Adapa at ipinaliwanag kay Anu na dahil ipinagkaloob kay Adapa ang pagiging maalam, kailangan lamang ni Adapa ng imortalidad o walang hanggang buhay upang maging isang Diyos. Tinanggihan ni Adapa ang pagkain at inumin ng walang hanggang buhay at kaya ay nanatiling namamatay ang tao.

Ang asawa ni Ningishzida ay si Azimua at ang kanyang kapatid na babae ay si Amashilama. Siya ang isa sa mga ninuno ni Gilgamesh.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]