Talihalat na pangtugtugin
Ang talihalat ng tugtugin, talihalat na pangtugtugin, talihalat ng tugtog, notasyong musikal, o notasyon ng musika ay ang paraan ng pagsusulat ng musika o tugtugin upang matugtog ito ninuman. Maraming mga sistemang ginagamit at ginamit na sa nakaraan upang makapagsulat ng musika. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga musikero ang nagsusulat ng mga notang pangmusika o notang musikal (notang pangtugtugin) sa talata, taludtod, o taludturang pangnota o pangmusika (musical staff, nagiging stave kapag maramihan): limang paralel o magkakaagapay (magkakabalalay) na mga guhit na may apat na puwang sa pagitan nila. Subalit, marami pang iba, na ang ilan ay ginagamit sa ngayon sa iba't ibang mga kultura. Dahil sa pagsusulat ng musika, nagiging maaari o posible para sa isang kompositor na lumilikha ng isang piyesa ng musika na maipaalam sa ibang mga tao kung paano niya nais patunugin o patugtugin ang kanyang musika. Ang musikang ito ay matutugtog o maaawit ng sinuman na "nakakabasa ng musika". Kapag hindi isinulat ang musika, kung gayon ang tao ay matututunan lamang ang musika ng ibang tao sa pamamagitan ng pakikinig dito at pagsubok na magaya ito. Sa ganitong paraan (ang pakikinig at paggaya) tradisyunal o nakaugaliang natututunan dati ang tugtuging-bayan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.