Nutrisyon at pagbubuntis
Ang nutrisyon at pagbubuntis ay tumutukoy sa paggamit ng sustansiya at pagpapaplano ng masustansyang pagkain na isinasagawa bago, habang, at pagkatapos ng pagbubuntis. Ang konsepsyon o ang simula ng pagbubuntis ng ina ay siya ring simula ng nutrisyon ng fetus kung kaya’t bukod sa nutrisyon ng ina habang nagbubuntis at nagpapasuso sa sanggol, mahalaga na rin ang kaniyang nutrisyon ilang buwan pa bago ang konsepsyon. Ang patuloy na dumaraming pag-aaral ukol sa nutrisyon at pagbubuntis ay nagpakita na ang nutrisyon ng ina ay magkakaroon ng epekto sa kalusugan ng kaniyang anak, at kabilang na rito ang posibilidad ng pagkakaroon ng kanser, sakit sa puso, altapresyon (o high blood pressure), at diyabetis. [1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Cancer Prevention During Early Life | CDC". www.cdc.gov (sa wikang American English). 2020-07-14. Nakuha noong 2020-10-29.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.