OLPC XO-1
Ang XO-1, dating kilala bilang $100 Laptop ("isandaang dolyar na laptop"; "laptop na nagkakahalaga ng isandaang dolyar"), Children's Machine ("makinang pambata"), at 2B1, ay isang mura o hindi mahal na laptop kompyuter (kompyuter na nakakalong) na nilikha para ipamahagi sa mga bata o kabataan ng umuunlad na mga bansa sa buong mundo,[1] upang mabigyan ang mga ito ng akseso o daan sa kabatiran o kaalaman (sa pamamagitan ng Kilusang Daan sa Kaalaman), at mga pagkakataon na tumuklas, magsubok o mageksperimento, at maipahayag ang kanilang mga sarili (isang uri ng Konstruksiyonismo).[2] Nilikha ang laptop ng 'di-kumikinabang na organisasyong Isang Laptop bawat Bata o One Laptop per Child (OLPC), 501(c)(3) at binubuo ng Quanta Computer.
Dinisenyo ang mga nakakalong o nakakanlong na mga kompyuter na ito para maipagbili sa mga sistemang pangedukasyon ng mga pamahalaan na magbibigay naman sa bawat isang batang nasa mababang paaralan (nasa primarya) ng kanilang pansariling laptop. Unang itinakda ang halaga ng bawat isa sa panimulang US$188 noong 2006, na may hayag na layuning aabutin ang presyong $100 sa 2008.
Gumagamit ang pangharabas at pangmababang enerhiyang mga kompyuter na ito ng flash memory sa halip na hard drive, at gumagamit din ng Linux bilang sistema ng operasyon o pagpapaandar.[3] Ginagamitan ito ng lambatang Mobile ad-hoc upang mapahintulutan mapagsalusaluhan ng maraming makina ang aksesong Internet mula sa isang koneksiyon lamang.
Nakatulong ang laptop na ito sa pagbibigay ng kahulugan sa sumisibol (noong 2007) na kategorya o kauriang mga Netbook sa larangan ng mga kompyuter.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "BBC NEWS - Technology - Portables to power PC industry". Nakuha noong 2008-01-25.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ One Laptop per Child. "Vision: Children in the developing world are inadequately educated". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-08. Nakuha noong 2008-01-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-11-08 sa Wayback Machine. - ↑ "OLPC's Software". The OLPC Wiki. One Laptop per Child. Nakuha noong 2007-12-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-03. Nakuha noong 2008-12-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)