Pumunta sa nilalaman

Okha, Rusya

Mga koordinado: 53°35′N 142°56′E / 53.583°N 142.933°E / 53.583; 142.933
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Okha, Russia)
Okha

Оха
Watawat ng Okha
Watawat
Eskudo de armas ng Okha
Eskudo de armas
Lokasyon ng Okha
Map
Okha is located in Russia
Okha
Okha
Lokasyon ng Okha
Okha is located in Sakhalin Oblast
Okha
Okha
Okha (Sakhalin Oblast)
Mga koordinado: 53°35′N 142°56′E / 53.583°N 142.933°E / 53.583; 142.933
BansaRusya
Kasakupang pederalSakhalin Oblast[1]
Distritong administratiboOkhinsky District[1]
Itinatag1880
Katayuang lungsod mula noong1938
Lawak
 • Kabuuan44 km2 (17 milya kuwadrado)
Taas
30 m (100 tal)
Populasyon
 (Senso noong 2010)[2]
 • Kabuuan23,008
 • Kapal520/km2 (1,400/milya kuwadrado)
 • Kabisera ngOkhinsky District[1]
 • Urbanong okrugOkhinsky Urban Okrug[3]
 • Kabisera ngOkhinsky Urban Okrug[3]
Sona ng orasUTC+11 ([4])
(Mga) kodigong postal[5]
69449x
(Mga) kodigong pantawag+7 42437[6]
OKTMO ID64736000001
Websaytokhacity.ru

Ang Okha (Ruso: Оха́) ay isang lungsod at sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Okhinsky ng Sakhalin Oblast, Rusya. Matatagpuan ito sa silangang baybaying-dagat ng dulong hilaga ng Pulo ng Sakhalin, sa layo na humigit-kumulang 850 kilometro (530 milya) hilaga ng Yuzhno-Sakhalinsk, malapit sa dalampasigan ng Dagat Okhotsk. Mayroon itong populasyon na 23,008 katao ayon sa Senso 2010.[2]

Itinatag ito kasunod ng pagkatuklas ng petrolyo sa lugar noong 1880, una sa pangalang Okhe. Hinango ito mula sa isang salitang Ainu na nagngangahulugang "Masamang Tubig" ("Bad Water"). Nagsimula ang industriyal na paggagalugad ng mga reserba ng petrolyo noong 1923, sa kasagsagan ng pananakop ng mga Hapones sa Pulo ng Sakhalin noong 1920-1925. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1938.

Nakaranas ng pinsala ang lungsod noong naganap ang Lindol sa Neftegorsk ng 1995 noong Mayo 28, at ginawang mahalagang himpilan para sa mga tagasagip na ipinadala to Neftegorsk na nawasak nang husto kaya hindi na ito muling itinayo. Inilipat ang ilang mga nakaligtas na taga-Neftegorsk sa Okha. Tumama sa lungsod ang isang mahinang lindol noong Mayo 10, 2005, ngunit walang naitalang namatay o malakihang pinsala rito.

Historical population
TaonPop.±%
1989 36,104—    
2002 27,963−22.5%
2010 23,008−17.7%
Senso 2010:[2]; Senso 2002:[7]; Senso 1989:[8]

Kasama ang sentrong pampangasiwaan na Yuzhno-Sakhalinsk, ang Okha ay sentro ng industriya ng petrolyo sa oblast. Bumabagtas ang isang linya ng tubo ng langis at tubo ng gas mula Okha papuntang Komsomolsk-na-Amure sa kalupaang Rusya. Malapit sa lungsod ang ilang mga balon ng langis, karamiha'y pinamamahala ng kompanyang Rosneft.

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa hilagang dulo ng sistemang daanan ang lungsod. Mayroon dating ugnayang daambakal sa sistema ng makitid na riles ng Sakhalin sa Nogliki, ngunit sinarado ito noong 2006.

Mayroon ding isang paliparan sa Okha na may mga serbisyo patungong Khabarovsk at Yuzhno-Sakhalinsk.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Law #25-ZO
  2. 2.0 2.1 2.2 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Law #524
  4. "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
  6. Телефонные коды Сахалина - Dialing codes of Sakhalin (sa Ruso)
  7. Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso). {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]