Pumunta sa nilalaman

Olmeka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Olmec)
Ang Muog 1 o Monumento 1, isa sa apat na mga malalaking hubog ng ulong Olmek sa La Venta. Halos tatlong metro (9 na talampakan) ang taas ng isang ito.

Ang mga Olmeka (Ingles: Olmec) ay mga mamamayan na namuhay noong mga 3000 taon na ang nakalilipas sa isang pook sa timog-kalagitnaang Mehiko ng kasalukuyang panahon. Ang mga Olmek ang unang kabihasnan sa sinaunang lugar na kilala ngayon bilang Mesoamerika. Dahil sila ang unang sibilisasyon, maraming mga sumunod na panghuling kabihasnang Mesoamerikanong mga kabihasnan ang gumamit at umuli sa mga kasangkapan at katangian. Natuklasan at ginamit ng mga mamamayang Olmek ang maraming mga likas na yaman sa kanilang pook, kabilang ang mga goma at mais. May mga dose-dosenang mga "mahiwagang" mga ulong bato ang natuklasana sa teritoryo ng mga Olmek, at hindi pa ganap na nauunawaan ng mga arkeologo ang layunin ng mga ito.

Namuhay ang mga Olmek mula 1200 BK hanggang sa mga 400 BK. Mayroon silang dalawang mahalagang mga lungsod, una ang San Lorenzo Tenochtitlan at sumunod ang La Venta.

Ang pusong-lupain ng mga Olmek.


Kalinangan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.