One Thing
"One Thing" | |
---|---|
Awitin ni One Direction | |
mula sa album na Up All Night | |
B-side | "I Should Have Kissed You" |
Nilabas | 06 Enero 2012 |
Tipo | Pop rock |
Haba | 3:10 |
Tatak | |
Manunulat ng awit | |
Prodyuser |
|
Ang One Thing ay ang ikatlong single ng pop na bandang Ingles-Irlandes na One Direction mula sa kanilang paunang studio album, ang Up All Night (2011). Inilabas ito sa iba't ibang mga bansa ng Syco Music noong ika-6 ng Enero 2012, bilang kanilang ikalawang single, at ikatlo naman sa Nagkakaisang Kaharian o UK noong ika-13 ng Pebrero 2012. Bilang dagdag, ipinadala naman ito ng Columbia Records sa mga estasyon ng radyong nagpapatugtog ng modernong musika noong ika-22 ng Mayo 2012, bilang kanilang ikalawang single sa Estados Unidos. Isinulat nina Savan Kotecha at ng mga prodyuser na sina Carl Falk at Rami Yacoub, sa simula, ang upbeat pop rock na awiting ito'y isinulat bilang dalawang magkaibang kanta. Dahil sa parehong may magagandang katangian ang magkaibang awit, napagpasiyahan ng tatlo na pagsamahin ito bilang isa. Ang lamang letra ng kanta ay tumutukoy sa nararamdaman ng isang tao sa kanyang pinahahalagahan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.