Operasyon Ichi-Go
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Hulyo 2009) |
|
Ang Operasyon Ichi-Go (一号作戦, Ichi-go Sakusen, tuwirang salin: "Operasyon Bilang Isa") ay isang kampanya ng isang serye ng mga pangunahing labanan sa pagitan ng mga pwersa ng Hukbong Imperyong Hapon at ang Pambansang Hukbong Mapaghimagsik ng Republika ng Tsina, na pinaglabana mula Abril hanggang Disyembre 1944. Ito ay binubuo ng tatlong magkakahiwalay na labanan sa lalawigan ng Henan, Hunan at Guangxi, sa Tsina na tinawag ng mga Hapon na Operasyon Kogo o Labanan ng Gitnang Henan, Operasyon Togo 1 o ang Labanan ng Changheng, at Operasyon Togo 2 at Togo 3 o ang Labanan ng Guilin-Liuzhou. Ang dalawang pangunahing layunin ng Ichi-go ay ang pagbuks ng isang daanang panlupa papuntang Indotsinang Pranses at pagkuha ng mga air base sa timog-silangang Tsina na pinagmumulan ng mga mambobombang Amerikano na umaatake sa tinubuang-bayan at pagpapadala ng Hapon. [2]
Sa Hapon ang operasyon ay tinatawag din na Tairiku Datsū Sakusen (大陆打通作戦), habang tinatawag naman ito ng mga Tsino na Labanan ng Henan-Hunan-Guangxi Tsinong pinapayak: 豫湘桂会战; Tsinong tradisyonal: 豫湘桂會戰; pinyin: Yù Xīang Guì Huìzhàn
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Operation Ichi-Go ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.