Pumunta sa nilalaman

Oscar Wilde

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Oscar Wilde
Si Oscar Wilde.
Kapanganakan16 Oktubre 1854[1]
    • Dublin
    • United Kingdom of Great Britain and Ireland
  • (Irlanda)
Kamatayan30 Nobyembre 1900[2]
Libinganlibingan ni Oscar Wilde
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland
Irlanda[3]
United Kingdom
Pransiya
NagtaposMagdalen College
Trinity College
Trabahomakatà, mandudula, manunulat ng maikling kuwento, mamamahayag, children's writer, nobelista, manunulat, may-akda, prosista, publisista, manunulat ng sanaysay, librettist
AsawaConstance Lloyd (29 Mayo 1884–unknown)
AnakVyvyan Holland
Cyril Holland
Magulang
  • William Wilde
  • Jane Wilde
Pirma

Si Oscar Fingal O'Flahertie Wills Wilde (16 Oktubre 1854 – 30 Nobyembre 1900) ay isang Irlandes na mandudula, makata, at may-akda ng maraming bilang na maiikling mga kuwento at isang kathambuhay. Kilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip at pang-unawa, naging isa siya sa pinakamatagumpay na mga manunulat ng mga dula ng huling bahagi ng panahong Biktoryana sa Londres, at isa sa pinakadakilang mga "taong sikat" ng kanyang kapanahunan. Ilan sa kanyang mga dula ang patuloy pa ring itinatanghal, partikular na ang The Importance of Being Earnest. Bilang resulta ng isang malawakang sinubaybayang mga paglilitis, nagdusa si Wilde ng isang nakakaantig na pagbagsak at nabilanggo sa loob ng dalawang mga tao upang gumawa ng mabibigat na mga gawain, pagkaraang mahatulan ng pagkakaroon ng pakikipag-ugnayang homoseksuwal, na inilarawan bilang "sukdulang kalaswaan" sa piling ng ibang mga lalaki. Pagkaraang mapawalan mula sa kulungan, naglakbay siya papunta sa Dieppe sa pamamagitan ng pagsakay sa pang-gabing barkong pangtawid at hindi na muling nagbalik pa sa Irlanda o sa Britanya.


TalambuhayPanitikanIrlanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Irlanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. "Oscar Fingal O'Flahertie Wills Wilde".
  2. http://gallica.bnf.fr/ark:/12148/bpt6k236591s/f3; petsa ng paglalathala: 2 Disyembre 1900; pahina: 3.
  3. https://www.musee-orsay.fr/fr/ressources/repertoire-artistes-personnalites/oscar-wilde-122826.