Okeanos
Itsura
(Idinirekta mula sa Oseyano)
Sa mitolohiyang Griyego, si Okeanos, Oceano (bigkas: Osyano), o Oceanus (bigkas: Osyanus) (Griyego: Ώκεανός Ōkeanós o Ωγενος Ōgenos, "ilog-karagatan; Latin Oceanus o Ogenus) ay isang Titano. Siya ang ama ng mga katubigan.[1] Mga magulang niya sina Gaia (o Ge, "lupa") at Urano ("himpapawid").[1] Mula sa kanyang kapatid na babaeng si Tethys, naging mga anak niya ang mga diyos ng ilog at ng mga Okeanida, ang mga nimpa ng dagat at bukal. Kalimitang inilalarawan sa mga larawan si Oceano bilang ang ilog na pinagdadaluyan ng lahat ng buhay.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Oceanus". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa O, pahina 278.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.