Osio Sopra
Osio Sopra | |
---|---|
Comune di Osio Sopra | |
Mga koordinado: 45°38′N 9°35′E / 45.633°N 9.583°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Lombardia |
Lalawigan | Bergamo (BG) |
Lawak | |
• Kabuuan | 5.18 km2 (2.00 milya kuwadrado) |
Taas | 192 m (630 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 5,273 |
• Kapal | 1,000/km2 (2,600/milya kuwadrado) |
Demonym | Osiosoprani |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 24040 |
Kodigo sa pagpihit | 035 |
Santong Patron | San Zenone |
Saint day | Abril 12 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Osio Sopra (Bergamasque: Öss de Sura) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Bergamo sa rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya. Ang kasaysayan ng Osio Sopra ay may makabuluhang mga ugnay sa Osio Sotto.
Ang mga maagang pamayanan ay maaaring masubaybayan sa Sinaunang panahon ng Romano, nang ang isang mahalagang kalsada ng komunikasyon ay nag-uugnay sa Milan sa Bergamo na dumadaan sa tulay na 'Ponte Corvo' sa lokalidad ng Marne. Sa Bergamo, ang huling seksiyon ng kalsadang ito ay pinangalanang 'via Osio', na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng lokasyon.
Noong mga panahong iyon, dumaan ang Osio sa isang mahalagang proseso ng centuriation, kung saan nangyari ang unang pag-unlad ng 'pagus'; ang pangalang 'Osio' ay nagmula sa Patricianong 'gens Otia' (o gens Oxia).
Kabilang sa mga tanawin ng Osio Sopra, ang medyebal Simbahang Katoliko ng San Zenone ay nagtatampok ng magandang kalidad ng mga pinta ng mga Lombardong artista. Ayon sa alamat, ang sagradong simbahang ito ay itinayo gamit ang mga materyales mula sa isang sinaunang kastilyo.
Ang Santuario della Madonna della Scopa ay isang kapilya na matatagpuan sa hangganan na ibinabahagi ng Osio Sopra sa Osio Sotto. Itinayo noong ikalabinlimang siglo, sa simula ay mas maliit ito kaysa sa ngayon, na ang pinakabagong ekstensiyon ay idinagdag sa simula ng ikadalawampu siglo. Hitik sa mga relihiyosong fresco ang mga panloob na dingding nito. Ayon sa alamat, ang pangalan ng kapilya ('Madonna della scopa' ay Italyano para sa 'Madonna ng walis') ay dahil sa isang mahimalang pagpapakita kung saan ang Birheng Maria ay namagitan upang linisin ang kapilya na ito sa panahon kung saan ito ay napabayaan.
Sa wakas, ang Palazzo Camozzi-Andreani, na kilala rin bilang Villa Andreani o mas kolokyal bilang Palazzo delle Gigine, ay itinayo noong ikalabing walong siglo bilang isang aklatan.
Ang kanlurang hangganan ng Osio Sopra ay binubuo ng ilog Brembo; sa kahabaan ng baybayin nito, maraming likas na reserba tulad ng Bosco Astori ang dinadalaw ng mga lokal at mga bisita para sa mga layuning libangan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)