Pumunta sa nilalaman

Otitis externa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Otitis externa
Klasipikasyon at panlabas na mga pinanggalingan
Isang malubhang kalagayan ng panlabas na pamamaga ng panlabas na bahagi ng tainga. Pagmasdan ang pagkipot ng panlabas na kanal na pangpandinig at pamumukol ng pingol (anatomiya) (kilala rin bilang aurikulo).
ICD-10H60.
ICD-9053.71, 054.73, 112.82, 380.1-380.2
DiseasesDB9401
MedlinePlus000622
eMedicineped/1688 emerg/350
MeSHD010032

Ang Otitis externa o ang pamamaga ng panlabas na (bahagi ng) tainga[1], kilala rin bilang "tainga ng manlalangoy"[1] ay isang pamamaga ng panlabas na tainga at ng kanal ng tainga. Kasama ng otitis media (pamamaga ng gitnang tainga), ang panlabas na otitis ay isa dalawang kalagayang pantao na pangkaraniwang tinatawag bilang "pananakit ng tainga". Nagaganap din ito sa maraming iba pang mga uri, bukod sa tao. Ang katuturan ng sakit ay ang pamamaga ng balat ng kanal ng tainga. Ang pamamaga o implamasyon ay maaaring pangalawa lamang sa dermatitis (eksema), literal na "pamamaga ng balat", na walang impeksiyon ng mikrobyo, o maaari itong sanhi ng aktibong impeksiyon ng bakterya o fungus. Sa magkabilang kaso, subalit pangkaraniwan na sa impeksiyon, ang balat ng kanal ng tainga ay namimintog o bumubukol at maaaring maging mahapdi at/o malambot sa paghipo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Rapini, Ronald P.; Bolognia, Jean L.; Jorizzo, Joseph L. (2007). Dermatology: 2-Volume Set. St. Louis: Mosby. ISBN 1-4160-2999-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)