Outreach

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang outreach ay isang aktibidad ng pagbibigay ng serbisyo sa mga populasyon na maaring hindi naaabot ng mga serbisyo na iyon. Isang mahalagang bahagi ng mga outreach ay ang mga grupo na nagbibigay nito ay hindi nakatigil ngunit napakikilos; sa ibang salita ay napupuntahan nila ang mga nangangailangan ng serbisyo sa mga lugar kung nasaan ang mga nangangailangan. Bukod sa pagbibigay ng mga serbisyo, ang outreach ay may bahagi din sa paglaki ng kaalaman tungkol sa kasulukuyang mga serbisyo.

Ang mga outreach ay madalas na ginagawa upang punuin ang mga puwang ng mga serbisyo na ibinigay ng mga (madalas na pang-gobyerno) pangunahing mga aktibidad, at madalas na isinasagawa ng mga samahang hindi pangkalakalan. Ito ay isang pangunahing elemento na naghihiwalay sa outreach mula sa mga ugnayang pampubliko. Sabi ni Dewson et al. (2006) na ang mga tauhan ng outreach ay maaring may mga mas mababang kuwalipikasyon, ngunit ay may mas mataas na pagbubuyo kumpara sa mga tauhan na nagbibigay mga tradisyunal na serbisyo.

Ipinag-uuri ni Rhodes (1996) ang outreach sa tatlong uri: domiciliary o sa bahay (ginagawa sa mga indibidwal na mga bahay), detached (ginagawa sa mga pampublikong kapaligiran at nakatuon sa mga indibidwal), at peripatetic (ginagawa sa pampubliko o pampribado na kapaligiran na organisayon). Inilista ni Dewson et al. (2006) ang isa pang karagdagang uri ng outreach: ang satellite, kung saan ang mga serbisyo ay ibinibigay sa tiyak na lugar lamang.