Pagpapaabot
Ang pagpapaabot o outreach ay isang aktibidad ng pagbibigay ng serbisyo sa mga populasyon na maaring hindi naaabot ng mga serbisyo na iyon.[1][2] Isang mahalagang bahagi ng mga pagpapaabot ay ang mga grupo na nagbibigay nito ay hindi nakatigil ngunit napakikilos; sa ibang salita ay napupuntahan nila ang mga nangangailangan ng serbisyo sa mga lugar kung nasaan ang mga nangangailangan.[1][2][3] Bukod sa pagbibigay ng mga serbisyo, ang pagpapaabot ay may bahagi din sa paglaki ng kaalaman tungkol sa kasulukuyang mga serbisyo.
Ang mga pagpapaabot ay madalas na ginagawa upang punuin ang mga puwang ng mga serbisyo na ibinigay ng mga (madalas na pang-gobyerno) pangunahing mga aktibidad, at madalas na isinasagawa ng mga samahang hindi pangkalakalan. Ito ay isang pangunahing elemento na naghihiwalay sa pagpapaabot mula sa mga ugnayang pampubliko. Sabi ni Dewson et al. (2006) na ang mga tauhan ng pagpapaabot ay maaring may mga mas mababang kuwalipikasyon, ngunit ay may mas mataas na pagbubuyo kumpara sa mga tauhan na nagbibigay mga tradisyunal na serbisyo.
Mga kategorya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinag-uuri ni Rhodes (1996) ang pagpapaabot sa tatlong uri: domiciliary o sa bahay (ginagawa sa mga indibidwal na mga bahay), detached o nakahiwalay (ginagawa sa mga pampublikong kapaligiran at nakatuon sa mga indibidwal),[4] at peripatetic o gumagala (ginagawa sa pampubliko o pampribado na kapaligiran na organisayon). Inilista ni Dewson et al. (2006) ang isa pang karagdagang uri ng pagpapaabot: ang satellite o sangay, kung saan ang mga serbisyo ay ibinibigay sa tiyak na lugar lamang.[3]
Pagpaabot sa mga walang tahanan sa kalye
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang konsepto ng pagpapaabot sa kalye sa mga indibiduwal na nakakarananas ng kawalan ng tahanan ay isang klasikong halimbawa ng pagpapaabot. Mayroon iba't ibang mga kumplikadong isyu ang nakakaranas ng kawalan ng tahanan na nag-uudyok ng partikular na mga anyo ng pangangalaga.[5] Dahil dito, isang gawang mapanghamon ang pagpapaabot sa kalye. Maraming ahensiyang pampamahalaan at di-pampamahalaan ang naghahangad na makisali sa gawain na ito dahil sa pag-unawa na ang mga taong walang bahay ay may tendensiya na magkaroon ng pinataas na hadlang upang makakuha ng mga tradisyunal na serbisyo. Nasa iba't ibang anyo ang pagpapaabot sa kalye, mula sa mga tao na may dala-dalang mga pagkain o pang-araw-araw na gamit, hanggang sa mga klinikang pangkalusugan na mobayl na may mga grupo ng mga boluntaryong pangmedisina na umiikot at nag-aalok ng serbisyo. Anuman ang anyo, ang esensya ng pagpapaabot sa kalye ay ang pagnanais na makilala ang tao kung nasaan sila, bumuo ng malalim na tiwala at koneksyon, mag-alok ng suporta, at palakasin ang dignidad at paggalang ng tao na nararapat sa lahat ng tao.[6] Kabilang sa mga pangunahing elemento ng epektibong pagpapaabot sa kalye ang pagiging sistematiko, naikokoordina, komprehensibo, nakatuon sa pabahay, nakatuon sa tao, nababatid ang trauma, tumutugon sa pangkulturang aspeto, gayon din ang pagbibigay-diin sa kaligtasan at pagbawas ng pinsala.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Kate Hardy; Sarah Kingston; Teela Sanders (16 Disyembre 2010). New Sociologies of Sex Work (sa wikang Ingles). Ashgate Publishing, Ltd. p. 77. ISBN 978-0-7546-7986-8. Nakuha noong 16 Setyembre 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Legal Services Research Centre (30 Marso 2009). Reaching Further: Innovation, Access and Quality in Legal Services (sa wikang Ingles). The Stationery Office. pp. 73–74. ISBN 978-0-11-706724-0. Nakuha noong 17 Setyembre 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Maximising the Role of Outreach in Client Engagement", Dewson S, Davis S, Casebourne J. Research Report DWPRR 326, Department for Work and Pensions, 2006. (sa Ingles)
- ↑ Tim Rhodes (1996). Outreach Work with Drug Users: Principles and Practice (sa wikang Ingles). Council of Europe. pp. 25–26. ISBN 978-92-871-3110-2. Nakuha noong 17 Setyembre 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fonseca Viegas, Selma Maria da; Nitschke, Rosane Gonçalves; Tholl, Adriana Dutra; Bernardo, Lucas Andreolli; Potrich, Tassiana; Arcaya Moncada, Maria Josefa; Nabarro, Marta (Hunyo 2021). "The routine of the street outreach office team: Procedures and care for the homeless". Global Public Health (sa wikang Ingles). 16 (6): 924–935. doi:10.1080/17441692.2020.1810297. ISSN 1744-1706. PMID 32841072. S2CID 221326764.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Olivet, Jeffrey; Bassuk, Ellen; Elstad, Emily; Kenney, Rachael; Jassil, Lauren (2010-04-07). "Outreach and Engagement in Homeless Services: A Review of the Literature~!2009-08-18~!2009-09-28~!2010-03-22~!". The Open Health Services and Policy Journal (sa wikang Ingles). 3 (2): 53–70. doi:10.2174/1874924001003020053. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-12. Nakuha noong 2024-05-11.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "State Interagency Council to End Homelessness and Interagency Council on Hunger and Homelessness: Executive Order No. 06-05: (544532010-001)" (sa wikang Ingles). 2006. doi:10.1037/e544532010-001.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)