Pumunta sa nilalaman

Pánfilo de Narváez

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pánfilo de Narváez
Si Pánfilo de Narváez.
Kapanganakan1470 (Huliyano)[1]
  • (Segovia Province, Castilla y León, Espanya)
Kamatayan1528[1]
MamamayanEspanya
TrabahoConquistador
Pirma

Si Pánfilo de Narváez (ipinanganak noong 1478 o 1480 sa Valladolid – 1528) ay isang Kastilang sundalo at eksplorador. Naglayag siya patungong Amerika noong bandang 1498. Naglingkod siya sa ilalim ni Diego Velázquez de Cuéllar (kilala rin bilang Diego de Velázquez lamang) upang hanapin at sakupin ang Kuba noong 1511. Pinamunuan niya ang ekspedisyon sa Mehiko noong 1520 upang talunin si Hernán Cortés ngunit nagapi si Narvaez at nabilanggo ni Cortes noong 1522. Nang mabigyan ng pahintulot na sakupin ang Plorida noong 1526, siya ang namuno sa ekspedisyon sa Plorida noong 1528 subalit namatay na kasama ang karamihan sa kanyang mga tauhan habang naglalakbay pabalik sa Mehiko. Tatlong tao lamang ang nakaligtas at nakabalik sa Mehiko noong 1536, na pinamunuan ni Álvar Núñez Cabeza de Vaca.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb119386153; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. "Pánfilo de Narváez". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titika na N, pahina 430.


TalambuhayEspanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.