Pumunta sa nilalaman

Palestinian Liberation Organization

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa PLO)

Ang Palestine Liberation Organization (PLO) o "Samahan ng Pagpapalaya sa Palestina" (Arabe: منظمة التحرير الفلسطينية‎; tungkol sa tunog na ito Munaẓẓamat at-Taḥrīr al-Filasṭīniyyah ) ay isang organisasyon na nilikha noong 1964 na may layuning makalikha ng isang nagsasariling Estado ng Palestina.

Kinikilala ito ng Mga Nagkakaisang Bansa at ng mahigit sa 100 mga estado may kaugnayang pangdiplomasya rito bilang nag-iisang tunay na kinatawan ng mga taong Palestino,[1] at nagtamasa ng estado bilang tagapag-obserba o tagapagmasid sa Mga Nagkakaisang Bansa magmula pa noong 1974.[2] Ang PLO ay itinuturing ng Estados Unidos at ng Israel bilang isang organisasyong terorista hanggang sa pagsapit ng Kumperensiya sa Madrid noong 1991. Noong 1993, kinilala ng PLO ang karapatang umiral nang mapayapa ng Israel; tinanggap din nito ang mga resolusyon ng Konseho ng Seguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa bilang 242 at 338, at tinanggihan nito ang panggugulo (biyolensiya) at terorismo; bilang pagtugon, opisyal na kinilala ng Israel ang PLO bilang kinatawan ng mga Palestino.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Madiha Rashid al Madfai, Jordan, the United States and the Middle East Peace Process, 1974–1991, Cambridge Middle East Library, Cambridge University Press (1993). ISBN 0-521-41523-3. p. 21: "On 28 October 1974, the seventh Arab summit conference held in Rabat designated the PLO as the sole legitimate representative of the Palestinian people and reaffirmed their right to establish an independent state of urgency."
  2. Geldenhuys, Deon (1990). Isolated states: a comparative analysis. Cambridge University Press. p. 155. ISBN 0-521-40268-9, 9780521402682. {{cite book}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kim Murphy. "Israel and PLO, in Historic Bid for Peace, Agree to Mutual Recognition," Los Angeles Times, 10 Setyembre 1993.

KasaysayanPalestina Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Palestina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.