Pumunta sa nilalaman

Paaralang Lourdes ng Lungsod Quezon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paaralang Lourdes ng Lungsod Quezon
Lourdes School of Quezon City
Address
Map
Kanto ng Kanlaon at Kalyeng Don Manuel
Sta. Mesa Heights
Impormasyon
TypePribado, Katoliko, Coed
MottoPax et Bonum (Pagsasalin mula sa Latin:Kapayaan at Kabutihan ang Lahat)
Patron saint(s)Ina ng Lourdes
Santo Pransisko ng Assisi
Itinatag1955
FounderKaputsinong Pransiskano
RectorRev. Fr. Alberto S. Poblete, OFM Cap
PrincipalMaria Corazon C. Yap
Mababang Paaralan
Arlyne Hope B. Blanco
Mataas na Paaralan
CampusSta. Mesa Heights, Lungsod ng Quezon
Color(s)     Bughaw royal
     Puti
     Mapusyaw na kulay-langit
MascotBlue Titans
(dating Troubadour)
AccreditationPAASCU Level III
NewspaperPax et Bonum (PEB) (Mataas na Paaralan)
Troubadour (Mababang Paaralan)
Websitewww.lsi.edu.ph

Ang Paaralang Lourdes ng Lungsod Quezon (Ingles: Lourdes School of Quezon City, ipinaiikli bilang LSQC) ay isang is a Pribado at Katolikong institusyong pang-edukasyon educational na ipinapamahala at pagaari ng mga Kaputsino sa Lungsod ng Quezon sa Pilipinas, katabi ng Pambansang Dambana ng Lourdes. Ang LSQC ay dating kilala bilang Paaralang Katoliko ng Lourdes (Ingles:Lourdes Catholic School) ngunit ito ay binago upang ito makilala sa kapatid nitong paaralan ang Paaralang Lourdes ng Mandaluyong (LSM).

Programang Pangpaaralan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Apat na antas ng edukasyon ang itinuturo sa paaralan: Ang mataas na paaralan, mababang paaralan, preparatoryo at kindergarten. Dati ang LSQC ay paaralan para lamang sa lalaki sa lahat ng antas ngunit sa mga huling bahagi ng dekada 1970, nagsimulang magpapasok ng mga kababaihang iskolar sa mataas na paaralan at sa 1998 patuloy naging coed ang mataas na paaralan ng Lourdes.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pangunahing elemento ng logo ng paaralan ay: ang tatlong maliliit na krus sa kaliwa at kanang bahagi, dalawang braso na naka-ekis sa harapan ng isang krus na na sa taas ng isang ulap. Ang tatlong krus ay nagsisimbolo sa Trinidad isang paniniwalang ispiridad ng mga Pransiskano. Ang hubad na braso ay kay Kristp ang nagbuwis ng kanyang buhay sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang nakamanggas na braso ay kay Santo Pransisko ng Assisi, ang nagyakap sa Krus ni Kristo na nagdulot itagurian siyang "Salamin ni Kristo". Siya ay nabuhay ng malapit sa Kristo sa literal na pagsasabuhay ng Ebanghelyo. Ang malaking Kristo ay nagsimbolo sa pilosopiyang “Pagiging Katulad ni Kristo” isang panghabang-buhay na layunin ng mga Pransiskano. Ang ulap ay isinisimbolo ang Langit, ang tahanan at tadhana, sa piling ng Dakilang Diyos. Ang kasabihang "Pax Et Bonum", isang napagkaugaliang pagbating Pransiskano na may kahulugang "Kapayapaan at Kabutihan"[1]

Ang logo ay makikita sa mga uniporme, opisyal na bus, pasilya, at ang skywalk ng paaralan na nagdudutong sa mababa at mataas na mga departamento ng paaraalan.

Himno ng Paaralan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang gusali ng Mababang Paaralan ng Lourdes

Ang himno ng paaralan ay may titulong Lourdes Forever na ikinumpas ni Francesco "Gil" Raval. Ang himno ay nasa wikang Ingles.


Let us blend our tongues in praises
Let the years resound our voices,
Enduring be our fealty
To the school we love so well.
Though the years our paths may sever,
Sons of Lourdes we’ll ever be,
And with joy thy praises
Sing so proudly, cheering
Alma Mater, hail to thee!
Comrades dear…
Let the song…
Echo clear…

Loud and long![2]

Ang paaralan ay may akreditasyon mula sa PAASCU. Ang Mababang Paaralan ay may akreditasyong level II, habang ang Mataas na Paaralan ay nasa level III, ang pinakamataas na antas ng akreditasyon.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-12-22. Nakuha noong 2015-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2015-12-22 sa Wayback Machine.
  2. http://lsi.edu.ph/about-lsqc/lourdes-forever/