Pac-Man (laro)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pac-Man
Pac flyer.png
North American Flyer
(Mga) lumikha Namco
(Mga) naglabas Namco, Midway
(Mga) disenyador Tōru Iwatani – Game designer
Shigeo Funaki (舟木茂雄) – Programmer
Toshio Kai (甲斐敏夫) – Sound & Music
(Mga) kompositor Toshio Kai
(Mga) plataporma Arcade
Petsa ng paglalabas JP 22 Mayo 1980[1][2]
NA October, 1980[3]
(Mga) dyanra Maze
(Mga) Moda Up to two players, alternating turns
(Mga) grado ESRB: E
OFLC: G
Paraan ng input 4-way joystick
Kabina Standard upright, mini-upright and cocktail
Sistemang arkadiya Namco Pac-Man
CPU 1x ZiLOG Z80 @ 3.072 MHz[4][5]
Tunog 1× Namco WSG (3-channel mono) @ 3.072 MHz
Uri ng panoorin Vertically oriented, 224 × 288, 16 palette colors

Ang Pac-Man (パックマン Pakkuman?) ay isang laro na ginawa ng isang kompanyang nagngangalang Namco. Ang pinaka-unang produkto nito ay nilabas sa bansang Japan noong 22 Mayo 1980.[1][2] Ito ay nagging isang tanyag na “icon” sa Pop Culture sa Japan. Simula noong nailabas ang larong Pacman ay naging uso na ito; maging ang mga produktong may kinalaman dito,gayang mga laruan at maging ang mga “animated series” nito. Ang Pac-Man ay ang video game na may pinakamalaking kita (2.5 million) at isa mga pinakamatagal at pinakamatandang video game sa mundo. Contents

Paraan ng laro[baguhin]

Ang manlalaro ang nag papagalaw kay Pac-Man sa loob ng isang maze para makain ang mga pac-dots. Pag lahat ng pac-dots ay nakain na, makakapunta na si Pac-man sasusunod na stage. May apat nakalaban (Blinky, Pinky, Inky at si Clyde) napalabuy-laboysa maze. Kapag nahawakan o nahabol ng kalaban si Pac-man, mawawalan ito ng buhay. Matatapos ang laro kapag naubos ang buhay mo. Sa apat nasulok ng maze ay mga mas malaking dots na tinatawag na power pellets, ito ay nagbibigay ng kapangyarihan kay Pac-Man na kainin ang mga kalaban nito. Tuwing nakakain niya ang kalaban, babalik ito sa gitna ng parisukat upang bumalik ang kanyang kulay at muli siyang mabuhay.

Mga kaaway[baguhin]

Ang mga kalaban ni Pac-Man ay tinatawag na Ghost at Monster. Kahit mukhang walang direksiyon ang galaw ng mga kalaban, ang mga galaw nila ay madaling hulaan. Maraming manlalaro ang gumagamitsa kaalaman na ito upang di madaling matalo sa laro. Sa isang panayam kay Toru Iwatani, gumawa ng Pac-Man, sinabi niya na bawat kalaban ay may kanya-kanyang personalidad upang di mabagot ang mga manlalaro at di ito maging imposibleng laruan.

Perpektong laro[baguhin]

Ang isang perpektong laro ay nangyayari kapag ang isang manlalaro ay makakakuha ng pinakamataas na puntos sa unang 255 na lebel na hindi nawawalan ng buhay. Si Billy Mitchell ng Hollywood, Florida ang pinaka-unang unang nakakamit ng pinakamataas na posibleng puntos sa Pac-Man (3,333,360) noong 3 ng Hulyo, 1999. Si David Race ng Beavercreek, Ohio ang naitalang pinakamabilis na oras sa pagkamit ng pinakamataas na posibleng puntos sa Pac-Man, sa oras na 3 oras, 41 minuto at 22 segundo.

Talababa[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Namco Bandai Games Inc. (June 2, 2005). "Bandai Namco press release for 25th Anniversary Edition" (sa Japanese). bandainamcogames.co.jp/. Archived from the original noong 30 Disyembre 2007. http://web.archive.org/web/20071230012914/http://www.bandainamcogames.co.jp/bnours/hotnews/index.php?id=21. Nakuha noong 10 Oktubre 2007. "2005年5月22日で生誕25周年を迎えた『パックマン』。 ("Pac-Man celebrates his 25th anniversary on 22 Mayo 2005", seen in image caption)" 
  2. 2.0 2.1 Tony Long (10 Oktubre 2007 (questionable)). "Oct. 10, 1979: Pac-Man Brings Gaming Into Pleistocene Era". Wired.com. http://www.wired.com/science/discoveries/news/2007/10/dayintech_1010. Nakuha noong 10 Oktubre 2007. "[Bandai Namco] puts the date at 22 Mayo 1980 and is planning an official 25th anniversary celebration next year." 
  3. Year 1980 shown on North American Pac-Man title screen.
  4. "Game Board Schematic" (PDF). Midway Pac-Man Parts and Operating Manual. Chicago, Illinois: Midway Games. December 1980. http://www.arcadedocs.com/vidmanuals/P/Pac-Man.pdf. Nakuha noong 20 Hulyo 2009. [patay na kawing]
  5. Nitsche, Michael (31 Marso 2009). "Games and Rules". Video Game Spaces: Image, Play, and Structure in 3D Worlds. Cambridge, Massachusetts: MIT Press. p. 26. ISBN 0-262-14101-9. "[...] they would not realize the fundamental logical difference between a version of Pac-Man (Iwatani 1980) running on the original Z80 [...]" 

Malayuang pagbabasa[baguhin]

Mga kawing panlabas[baguhin]