Pumunta sa nilalaman

Pasipismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pacifist)
Isang sagisag ng kapayapaan, na kalimitang kaugnay ng pasipismo.

Ang pasipismo[1][2] o pagpapatahimik ay ang pagtanggi sa pagkakaroon at paggamit ng digmaan o karahasan bilang kasangkapan sa pagsasaayos ng hindi pagkakaunawaan o pagkakamit ng kapangyarihan o pansariling kabutihan at kalamangan. Tinatawag na pasipista o tagapagpatiwasay ang isang taong naniniwala sa pasipismo, umaawat, at nakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga bansa o nasyon tungo sa kapayapaan.[3]

Mga impluwensiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mahalagang gampanin ang pananampalataya sa pagtataguyod ng pasipismo o ng "katiwasayan at kapayapaan." Pangkaraniwang katangian ng mga relihiyon sa Asya ang paniniwala sa kawalan-ng-kaguluhan, kawalan-ng-karahasan, at di-paglaban. Makikita ito sa mga relihiyong Budismo, Taoismo, at Hinduismo.[1]

Kristiyanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroon ding malakas na elemento ng pasipismo sa Kristiyanismo, kabilang na ang mga sekta ng mga Quaker o "Lipunan ng mga Magkakaibigan" (Society of Friends), partikular na ang mga Simbahan ng mga Magkakapatid (Church of the Brethren)[4], Morabyano (Moravian), Menonito (Mennonite), at Doukhobor. Laban sa anumang uri ng militarismo ang mga sektang ito, kung kaya't tumatanggi ang mga kasapi nito sa pagsali at pagsanib sa mga hukbong pang-sandatahang lakas, at ayaw nilang humawak man ng anumang sandata.[1]

  1. 1.0 1.1 1.2 "What is a pacifist?". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Literal na salin at baybay pang-ortograpiya ng pacifism at pacifist
  3. Batay sa entradang "Pacify" Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  4. Entrada ng "Brethren", magkakapatid Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.