Padron:Napiling Larawan/Abestrus
Itsura
Ang abestrus, mas kilala sa tawag na ostrich, ay isang ibong hindi nakakalipad na katutubo ng Aprika. Ito lamang ang nabubuhay na species ng kanyang mag-anak, Struthionidae, at ng genus na Struthio. Kakaiba ang kaanyuhan nito, na mayroong mahabang leeg at binti, at nakakatakbo ito sa bilis na 65 km/h (40 mph).
Pinakamalaking nabubuhay na ibon ang mga abestrus at inaalagaan sa maraming sakahan sa buong mundo. Ang pangalang pang-agham ng abestrus ay galing sa salitang Griyego para sa "kamelyong maya" dahil sa mahabang leeg nito.
Kuha ni: Emir214