Pumunta sa nilalaman

Padron:Portal:Kasaysayan/Tao/1

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Chiune Sugihara

Si Chiune Sugihara (Hapones: 杉原千畝, Sugihara Chiune; Enero 1, 1900Hulyo 31, 1986) ay isang diplomatang Hapones, na naglingkod bilang isang Pangalawang Konsul para sa Imperyong Hapones sa Litwaniya. Daglian pagkaraan ng Pananakop sa Litwaniya (Pananakop sa mga estadong Baltiko) ng Unyong Sobyet, tinulungan niya ang ilang libong mga Hudyo upang makalikas sa bansa sa pamamagitan ng mga bisa (sa pasaporte) na pang-transito o pantawid sa mga Hudyo upang makapaglakbay sila patungong bansang Hapon. Karamihan sa mga Hudyong nakaligtas ang nanggaling sa Polonya o mga naninirahan sa Litwaniya. Dahil sa kaniyang mga ginawa sa pagsagip sa mga Hudyo mula sa mga Nazi, pinarangalan si Sugihara ng Israel bilang Matuwid at Makatuwirang Kahalubilo ng mga Nasyon (o Righteous Among the Nations).