Padron:UnangPahinaArtikulo/Jigme Khesar Namgyel Wangchuck
Si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck (Dzongkha: , ipinanganak noong 21 Pebrero 1980) ay ang ikalimang Haring Dragon ng Bhutan at puno ng dinastiyang Wangchuck. Siya ay kasalukuyang pinakabatang monarka at puno ng estado. Si Khesar ay panganay ng ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan, Jigme Singye Wangchuck, at ang ikatlong asawa ng kanyang ama, Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Siya ay may mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Siya ay wala pang asawa. Kaugnay ng pamilya, si Khesar ang panganay ng ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan na si Jigme Singye Wangchuck, at ang ikatlong asawa ng kanyang ama, Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Siya ay may mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Siya ay wala pang asawa. Noong Disyembre 2005, ipinahayag ni Haring Jigme Singye Wangchuck ang kanyang intensiyon sa pagbababa sa trono alang-alang sa kanyang anak bilang bigaylugod, at sinisimula niyang ipasa nang kagyat ang mga tungkulin sa kanya. Siya ay opisyal na pinutungan ng korona noong 6 Nobyembre 2008, sa buwan ng lalaking Daga (tahaklaw o lupang daga), sa maharlikang palasyo sa Timpu. Ang marangyang koronasyon ay binubuo ng sinauna at makulay na rituwal, dinaluhan ng mga libong dayuhang dignitaryo.