Jigme Khesar Namgyel Wangchuck
Jigme Khesar Namgyel Wangchuck འཇིགས་མེད་གེ་སར་རྣམ་ རྒྱལ་དབང་ཕྱུག | |
---|---|
Panahon | 9 Disyembre 2006 – kasalukuyan |
Koronasyon | 1 Nobyembre 2008 |
Sinundan | Jigme Singye Wangchuck |
Heir presumptive | Jigyel Ugyen Wangchuck |
Punong Mistro | Khandu Wangchuk Kinzang Dorji Jigme Thinley Tshering Tobgay |
Asawa | Jetsun Pema (2011–kasalukuyan) |
Anak | Jigme Namgyel Wangchuck Jigme Ugyen Wangchuck |
Lalad | Kabahayan ng Wangchuck |
Ama | Jigme Singye Wangchuck |
Ina | Tshering Yangdon |
Kapanganakan | Katmandu | 21 Pebrero 1980
Lagda | |
Pananampalataya | Budismo |
Si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck (Dzongkha: འཇིགས་མེད་གེ་སར་རྣམ་རྒྱལ་དབང་ཕྱུག་, Wylie: jigs med ge sar rnam rgyal dbang phyug;[1] ipinanganak noong Pebrero 21, 1980) ay ang ikalimang Druk Gyalpo (Dzongkha: Haring Dragon) ng Kaharian ng Bhutan[2] at puno ng Angkan ng Wangchuck (dinastiyang Wangchuck).[3] Siya ang kasalukuyang pinakabatang monarka at puno ng estado. Naluklok siya sa trono noong Disyembre 6, 2006 matapos magbitiw ang kanyang ama, ang ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan na si Jigme Singye Wangchuck. Naganap ang pampublikong seremonya ng koronasyon noong Nobyembre 6, 2008, ang taon na minarkahan ang ika-100 ng monarkiya ng Bhutan.
Kaugnay ng pamilya, panganay si Khesar ng kanyang ama at ng ikatlong asawa ng kanyang ama na si Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Mayroon siyang mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin, may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Asawa niya si Jestun Pema, ang Druk Gyaltsuen (Dzongkha: Reynang Dragon) ng Bhutan. Mayroon silang dalawang anak, ang mga prinsipeng sina Jigme Namgyel Wangchuck at Jigme Ugyen Wangchuck.
Pagluklok sa trono
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Disyembre 2005, ipinahayag ni Haring Jigme Singye Wangchuck ang kanyang intensiyon sa pagbababa sa trono alang-alang sa kanyang anak bilang bigaylugod, at sinisimula niyang ipasa nang kagyat ang mga tungkulin sa kanya.[4] Noong 14 Disyembre 2006, ipinahayag na nakababa na siya sa trono at inilipat kay Jigme Khesar Wangchuck.[5]
Siya ay opisyal na pinutungan ng korona noong 6 Nobyembre 2008, sa buwan ng lalaking Daga (tahaklaw) (lupang daga), sa maharlikang palasyo sa Thimphu (o Timpu). Ang marangyang koronasyon ay binubuo ng sinauna at makulay na rituwal, dinaluhan ng mga libong dayuhang dignitaryo, kabilang ang Pangulo ng Indiya Pratibha Patil, Sonia Gandhi, Ministro ng Ugnayang Panlabas Pranab Mukherjee at mga sikat na artistang hollywood.[6][7] Masasaksihan ni Khesar ang unang Indiyanong pagtatanghal, Astad Deboo, noong Nobyembre 7, kasunod ng mga palabas upang maglikha ng isang jugalbandi kasama ang mga Bhutanes na manananghal. Kasama ni Astad sa entablado ang 30 tagatambol ng pungcholam ng Manipur. Ang mga serye ng mga tanging pagtatanghal ay nasa direksiyon ng koreograpiya ni Padma Shri Astad Deboo.[8] Iniulat ng CNN na ang mga tao ay nagpintura ng mga bantas na pandaan, nagsabit ng mga banderitang pandiwa, mga ikot pantrapiko na pinalamuti ng mga sariwang bulaklak upang ipagdiwa ang kaganapan at batiin ang bagong hari.[9] Siya ay naging pinakabatang monarka sa buong daigdig sa taong gulang ng 28.[6]
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos tapusin ang kanyang pag-aaral sa mababa at mataas na paaralan sa Bhutan, nag-aral si Khesar sa ibang bansa sa Akademiyang Phillips (Andover), Akademiyang Cushing at Dalubhasaang Wheaton sa Massachusetts, Mga Nagkakaisang Estado, bago magtapos sa Dalubhasaang Magdalen, Pamantasan ng Oxford, Mga Nagkakaisang Kaharian, kung saan nakumpleto niya ang Programang Ugnayang Panlabas at MPhil sa Politika.[10] Nakapaglakbay siya sa mga iba't ibang bansa, opisyal na kumakatawan ng Bhutan sa mga iba't ibang kaganapan at may aktibong gampanin sa mga pangkultura, pang-edukasyon at pang-ekonomiyang organisasyon.
Mga naisakatuparan bilang hari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang batang hari ang kanyang pambihirang pamumuno na nangangasiwa ng demokratisasyon ng kanyang bansa, sa pamamagitan ng pangungulo ng huling pagpupulong ng kasalukuyang Batasan ng Bhutan kung saan nawari-wari ang mga batas ng maykapangyarihang maghalal, reporma sa lupa at iba pang mahahalagang isyu.[11] Ipinahayag niya na ang mga tungkulin ng mga salinlahi na ito para sa mga taga-Bhutan ay nakatiyak ang tagumpay ng demokrasya. Naglakbay din siya nang malawakan sa iba't ibang panig ng bansa upang maghimok ng paglalahok sa inaasahang pagdating ng mga gawaing pandemokrasya, nagpapamutawi sa pinakamahalaga sa kabataan ng Bhutan sa pangangailangan ng mga Bhutanes na magsikap ukol sa mga higit na pamantayan sa alinman sa edukasyon, negosyo, serbisyong sibil at ang pangangailangan ng mga tao sa kanayunan na magsikap maghanapbuhay.[12][13]
Siya ay naglagda ng isang bagong kasunduan ng pagkakaibigan sa Indiya noong Pebrero 2007, kapalit sa kasunduang 1949.[14] Maraming kusa ng pamahalaan ay naisagawa ng bagong hari na may pananaw upang tumindig ang sistema sa paghahanda para sa mga pagbabagong pandemokrasya sa 2008. Pagkatapos ng malawakang panahon na naghihintay para sa pagtatapos ng mga halalang pambatasan, noong Huyo 2008, isinaayos ang petsa ng koronasyon.[6][15]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "A Legacy of Two Kings" (sa wikang Ingles). Bhutan Department of Information Technology. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 27 Marso 2012. Nakuha noong 6 Nobyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Das, Biswajyoti (18 Disyembre 2006). "Bhutan's new king committed to democracy". The Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Nobyembre 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Das, Biswajyoti (2006-12-18). "Bhutan's new king committed to democracy" (sa wikang Ingles). Boston Globe. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-03-12. Nakuha noong 2008-11-06.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bhutan king announces abdication". BBC. 2005-12-18. Nakuha noong 2008-11-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bhutanese king steps down early". BBC. 2006-12-15. Nakuha noong 2008-11-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 "Lavish coronation for Bhutan king". BBC. 2008-11-06. Nakuha noong 2008-11-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [ news.bbc.co.uk,]
- ↑ "Astad Deboo magtatanghal sa koronasyon ng Hari ng Bhutan". Sahara Samay. 2008-11-02. Nakuha noong 2008-11-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Himalayang bansa ng Bhutan ay nagputong ng korona sa bagong hari". CNN. 2008-11-06. Nakuha noong 2008-11-06.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Ang Kanyang Kamahalanan Koronang Prinsipeng Dasho Jigme Khesar Namgyel Wangchuck". RAOnline. Nakuha noong 2008-11-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nagsisimula ang huling pagpupulong ng Batasang Pambansa". Bhutan Observer. 2008-01-19. Nakuha noong 2008-11-06.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "His Majesty to attend mock election in Dungkhar". Kuensel. 2007-04-22. Nakuha noong 2008-11-06.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "His Majesty speaks on Bhutan's future". Kuensel. 2006-04-11. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-07-13. Nakuha noong 2008-11-06.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Naglagda ng bagong kasunduan ang Bhutan at Indiya". BBC. 2007-02-08. Nakuha noong 2008-11-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ipuptong ang korona sa hari ng Bhutan nang sa wakas". BBC. 2008-07-23. Nakuha noong 2008-11-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Dugong Bughaw na Pamilya ng Bhutan
- Karagdagang Salaysay tungkol sa Dugong Bughaw na Pamilya
- Tim Fischer: Wise heads prevail in capital of happiness Naka-arkibo 2008-10-13 sa Wayback Machine.
- Bhutan 2008 Koronasyon ng Ikalimang Hari (Opisyal na Websayt) Naka-arkibo 2008-03-18 sa Wayback Machine.
- BBC, Mga larawan: koronasyon sa Bhutan
Jigme Khesar Namgyel Wangchuck Kapanganakan: Ika-21 ng Pebrero 1980
| ||
Mga maharlikang pamagat | ||
---|---|---|
Sinundan: Jigme Singye Wangchuck |
Hari ng Bhutan 2006 – kasalukuyan |
Kasalukuyan Hinirang na tagapagmana: Jigme Namgyel Wangchuck |