Padron:UnangPahinaArtikulo/Salaysaying maka-agham
Itsura
Ang mga salaysaying maka-agham ay isang malawakang anyo ng panitikan at ibang media na karaniwang kinabibilangan ng mga pagmumuni-muning batay sa pangkasalukuyan o panghinaharap na kalagayan ng agham o teknolohiya. Nakikita ang paksang ito sa mga aklat, sining, telebisyon, pelikula, laro, tanghalan, at marami pang iba. Nahahalo rin ang ganitong uri ng pagsasalaysay sa mga kathang may kababalaghan o pantasya, at maging sa mga kuwento ng pag-ibig, digmaan, katarungan, at iba pang mga kaugnay na anyo.Subalit, ang salaysaying maka-agham ay hindi kuwento ng mga kababalaghan o katatakutan. At kaiba rin ito mula sa pantasya.