Padron:UnangPahinaHolder
Itsura
Kimika (o kemistri) ang tawag sa agham tungkol sa mga elemento at compound (kumpwesto) at kung ano ang gawain ng mga ito. Ito ang pag-aaral ng mga bagay na bumubuo sa ating katawan at ng mundong ating ginagalawan. Bilang isang agham, nagsimula ang maka-agham na pag-aaral ng kimika noong ika-16 na siglo. Ito ay noong natuklasan ng mga kimiko ang mga simpleng substance na bumuo sa iba pang substance. Tinawag nilang mga elemento ang mga simpleng substance na ito. Ang compound (kompuwesto) naman ay isang substance na binubuo ng dalawa o higit pang mga elemento.
Mga kamakailan lamang napili: Manatee - Mesopotamya - Digmaang Pilipino-Amerikano