Pumunta sa nilalaman

Padron:Unang Pahina/Artikulo/Mau Marcelo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Mau Marcelo na umaawit sa Philippine Idol.
Si Mau Marcelo na umaawit sa Philippine Idol.

Si Maureen "Mau" Flores Marcelo (ipinanganak noong Mayo 13, 1980) ay isang mang-aawit na Pilipina na nakilala nang nagwagi sa Philippine Idol, na prankisa ng mga seryeng idol ng FremantleMedia at ipinalabas sa Pilipinas sa estasyong pantelebisyon na ABC. Tinagurian siyang "Soul Idol" at ang "black belter" (mambibirit) ng kompetisyon dahil sa kanyang estilong R&B sa pagkanta. Tinawag din siyang "The Diamond Diva" (Ang Diamanteng Babaeng Mang-aawit) matapos ng kanyang pagtanghal ng "Diamonds Are Forever" ni Shirley Bassey noong Linggo ng mga Temang Pampelikula at Pangmusikal na lubusang pinalakpakan ng mga manonood. Naging kilala rin siya sa bansag na Samantha Brown, hango sa apelyido ng kanyang ama. Siya rin ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Idol, na ginanap sa kalagitnaan ng Disyembre 2007 sa Lungsod ng Jakarta sa Indonesia. Isang mamamayang Amerikano mula Puerto Rico ang kanyang ama, na may dugong Aprikano at Kastila habang Pilipina ang kanyang ina. Bago ang Philippine Idol, nakapagrekord si Marcelo (sa ilalim ng bansag na "Samantha Brown") ng isang album na naglalaman ng sampung orihinal na mga awit na nilikha ng kanyang bayaw.