Pumunta sa nilalaman

Padron:Unang Pahina/Artikulo/Microsoft Windows

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pamilya ng Windows hanggang 2010.
Pamilya ng Windows hanggang 2010.

Ang Windows ay isang pangkat ng ilang mga pamilya ng propiyetaryong grapikal na operating system na ginawa at ibinebenta ng Microsoft. Tumutugon ang bawat pamilya sa ilang sektor ng industriya ng kompyuter, halimbawa, ang Windows NT para sa mga konsyumer, ang Windows Server para sa mga server, at ang Windows IoT para sa mga embedded system. Kabilang sa mga pamilya ng Windows na hindi na binebenta ang Windows 9x, Windows Mobile, and Windows Phone. Nailabas ang unang bersyon ng Windows noong Nobyember 20, 1985, bilang isang grapikal na operating system shell para sa MS-DOS bilang tugon sa dumadaming interes sa mga graphical user interface (GUI). Ang Windows ay ang pinakapopular na desktop operating system, na mayroong 75% bahagi sa merkado magmula noong 2022, sang-ayon sa StatCounter. Bagaman, ang Windows ay hindi ang pinakaginagamit na operating system kapag isasama ang parehong OS na pang-mobile at pang-desktop, dahil sa malaking paglago ng Android. Magmula noong Setyembre 2022, Windows 11 ang pinakabagong bersyon para sa mga konsyumer, PC, at tablet, Windows 11 Enterprise para sa mga korporasyon, at Windows Server 2022 para sa mga server.