Pumunta sa nilalaman

Pagbombang estratehiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pag-atake sa himpapawid)
Ang Tokyo pagkatapos ng malawakang pagbomba sa pamamagitan ng sunog na atake sa gabi ng Marso 9–10, 1945, ang nag-iisang pinakamapangwasak na pagsalakay sa kasaysayan ng abyasyong militar. Pinutol ng pagbomba sa pamamagitan ng pagsunog sa Tokyo ang produktibidad ng industriya ng lungsod ng kalahati at kinitil ang mga 100,000 sibilyan.

Ang pagbombang estratehiko ay isang taktikang militar na ginagamit sa lubos na digmaan na may layunin na talunin ang kalaban sa pamamagitan ng pagsira ng kanilang moral, ang kakayahang ekonomiko nitong magtransporte ng materiel sa mga teatro ng mga operasyon militar, o pareho. Isa itong organisadong atakeng sistematiko at pagpapatupad mula sa himpapawid na maaring gumamit ng mga pambombang estratehiko, mahaba- o katamtamang-layong misil, o naka-nukleyar na pambombang-lumalaban na sasakyang panghimpapawid upang atakehin ang mga target na ipinalagay na mahalaga sa kakayahan ng kalaban sa paggawa ng digmaan. Ang katawagang pagbombang pananakot (terror bombing) ay ginagamit upang isalarawan ang pagbombang estratehiko ng mga target na sibilyan na walang halagang militar, sa pag-asang ng pagwasak ng moral ng kalaban.

Isa sa mga estratehiya ng digmaan ang pagpapahina ng loob ng kalaban upang mas naisin ang kapayapaan o pagsuko sa patuloy na labanan. Ginamit ang pagbombang estratehiko sa layuning ito. Pumasok ang katagang "terror bombing" sa leksikong Ingles patungo sa dulo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at maraming mga kampanyang pagbombang estratehiko, at mga indibiduwal na pagsalakay ang sinalarawan bilang pagbombang pananakot ng mga komentarista at mananalaysay. Dahil may mga konotasyong paninira ang katawagan, may ilan, kabilang ang mga Mga Alyado ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang ginustong gamitin ang mga eupemismo tulad ng "kalooban na lumaban" ("will to resist") at "mga pagbombang moral" ("morale bombings").[1][2]

Moral ng kalaban

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa sa mga layunin ng digmaan ay pahinain ang loob ng kalaban; na hinaharap ang patuloy na kamatayan at pagkawasak na maaring gustuhin ang inaasam-asam na kapayapaan at pagsuko. Ang tagapagtaguyod ng pagbombang estratehiko sa pagitan ng dalawang digmaan, tulad ni General Douhet, ay inasahan na ang direktang atake sa mga lungsod ng kalabang bansa sa pamamagitan ng mga tagabombang estratehiko na magdudulot ng isang mabilis na pagbagsak ng moral ng sibilyan para makahingi ng presyong pampolitika para sa kapayapaan na magdudulot ng mabilis na konklusyon. Nang sinubok ang mga ganitong atake noong dekada 1930—sa Digmaang Sibil ng Espanya at Ikalawang Digmaang Sino-Hapones—hindi ito naging epektibo. Napansin ng mga komentarista ang pagkabigo ng ilang hukbong himpapawid, tulad ng Luftwaffe, na tinutok ang kanilang pagsisikap sa direktang suporta sa mga tropa.[3][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Longmate 1983, pp. 122, 123 sinisipi ang Singleton Report (sa Ingles)
  2. Barrett Tillman (2014). Forgotten Fifteenth: The Daring Airmen Who Crippled Hitler's War Machine (sa wikang Ingles). Simon and Schuster. p. 35. ISBN 978-1-62157-235-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The National Review", The National Review (sa wikang Ingles), 111: 51, 1938{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Round Table", The Round Table (sa wikang Ingles): 515, 1937{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)