Pag-iisa ng Berlin at Brandeburgo
Ang kaisipan ng pagkakaisa sa mga estadong Aleman ng Berlin at Brandenburgo ay nakakuha ng partikular na katanyagan mula noong muling pag-iisa ng Alemanya. Ang Berlin ay ganap na napapalibutan ng Brandenburgo, na may malaking suburban na populasyon, na tinatawag na Speckgürtel. Mayroong higit sa 225.000 residente ng Brandenburgo na namamasahe sa Berlin sa 2020[1] at ang mga estado ay nagbabahagi ng isang karaniwang kasaysayan, diyalekto, at kultura.
Ang mga estado ay nagtutulungan nang husto, halimbawa, nagbabahagi sila ng isang pampublikong tagapagbalita (ang rbb), nagtutulungan sa mga usaping panghukuman, transportasyon (halimbawa, ang Paliparang Berlin Brandenburgo at ang Verkehrsverbund Berlin-Brandenburg) at sa pribadong sektor, halimbawa ang Gigafactory Berlin-Brandenburgo. Parehong ang Senado ng Berlin at ang pamahalaan ng estado ng Brandenburg ay sumang-ayon sa mas malapit na pakikipagtulungan. Ang dalawang estado, noong 2012, ay sumang-ayon sa 27 kontrata ng estado at 79 na administratibong kaayusan. Parehong ang Berlin at Brandenburgo ay pinangungunahan ng Sosyo-Demokratikong Partido mula noong unang bahagi ng dekada 2000, kahit na ang kulturang pampolitika ng urbanong Berlin sa partikular ay ibang-iba.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Die meisten Pendler in Deutschland: 225.000 Brandenburger fahren zur Arbeit nach Berlin". Märkische Allgemeine (sa wikang Aleman). 8 Hunyo 2021. Nakuha noong 30 Marso 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)