Pumunta sa nilalaman

Paliparang Berlin Brandeburgo

Mga koordinado: 52°21′44″N 13°30′02″E / 52.362247°N 13.500672°E / 52.362247; 13.500672
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Paliparang Berlin Brandenburgo)
Paliparang Berlin Brandenburgo
commercial airport
Map
Mga koordinado: 52°21′44″N 13°30′02″E / 52.362247°N 13.500672°E / 52.362247; 13.500672
Bansa Alemanya
LokasyonSchönefeld, Dahme-Spreewald District, Brandeburgo, Alemanya
Ipinangalan kay (sa)Berlin
Lawak
 • Kabuuan1,470 km2 (570 milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00
Websaythttps://ber.berlin-airport.de/

Ang Paliparang Berlin Brandenburg Willy Brandt (Aleman: Flughafen Berlin Brandenburg "Willy Brandt", IATA: BERICAO: EDDB) Pagbigkas sa Aleman: [beːʔeːˈʔɛɐ̯]  ( pakinggan)) ay isang paliparang pandaigdig sa Schönefeld, sa timog lamang ng kabesera ng Aleman na Berlin sa estado ng Brandeburgo.[1] Pinangalanan sa dating alkalde ng Kanlurang Berlin at Kansilyer ng Kalurang Alemanya na si Willy Brandt, ito ay matatagpuan 18 kilometro (11 mi) timog-silangan ng sentro ng lungsod at nagsisilbing base para sa easyJet, Eurowings, at Ryanair. Ito ay kadalasang may mga lipad sa mga kalakhang lungsod Europeo at mga destinasyon sa paglilibang pati na rin ang ilang mga interkontinental na serbisyo.

Pinalitan ng bagong paliparan ang mga paliparan ng Tempelhof, Schönefeld, at Tegel, at naging nag-iisang komersyal na paliparan na nagsisilbi sa Berlin at sa nakapalibot na Estado ng Brandeburgo, isang lugar na may pinagsamang 6 na milyong mga naninirahan. Sa inaasahang taunang bilang ng pasahero na humigit-kumulang 34 milyon,[2][3] ang Paliparang Berlin Brandeburgo ay naging ikatlong pinaka-abalang paliparan sa Alemanya na nalampasan ang Paliparan ng Düsseldorf at ginagawa itong isa sa labinlimang pinakaabala sa Europa.

Sa oras ng pagbubukas, ang paliparan ay may teoretikal na kapasidad na 46 milyong pasahero bawat taon.[4] Ang Terminal 1 ay sumasalo sa 28 milyon nito; Ang Terminal 2, na hindi nagbukas hanggang Marso 24, 2022 dahil sa pandemya ng COVID-19, ay sumasalo sa 6 na milyon; at Terminal 5, ang mga terminal na gusali ng dating Berlin-Schönefeld Airport, ay sumasalo sa dagdag pang 12 milyon. Ang mga pagpapalawak na gusali ay pinlano sa 2035 upang sumalo sa 58 milyong pasahero taon-taon.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bowlby, Chris (29 Hunyo 2019). "The airport with half a million faults". BBC News.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Metzner, Thorsten (26 Abril 2016). "Ist selbst eine BER-Eröffnung im Jahr 2018 gefährdet?" [Is even a 2018 BER opening at risk?]. Der Tagesspiegel (sa wikang Aleman).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "BER-beginnt-ein-weiteres-Jahr-der-Wahrheit" [(another) year of truth starts for BER – supposed capacity to be at 55mio till 2039]. aero. 5 Enero 2019. Nakuha noong 5 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Fabricius, Michael (24 Enero 2020). "Die BER-Eröffnung lässt sich kaum noch verhindern" [The BER opening can hardly be prevented]. welt. Nakuha noong 9 Marso 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Flughafenchef Lütke Daldrup will neuen Starttermin für Flughafen nach dem 24. Dezember nennen" [Airport boss Lütke Daldrup wants to name new start date for airport after December 24]. pnn. 30 Agosto 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hulyo 2018. Nakuha noong 9 Marso 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)