Pumunta sa nilalaman

Paganismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagan)

Ang paganismo[1] ay (Ingles: paganism, mula sa Lating paganus, na nangangahulugang "naninirahan sa kanayunan", "rustiko", o "karaniwan")[1][2] ay isang pangkalahatang katawagang ginagamit upang tukuyin ang sari-saring mga pananampalatayang maraming diyos o relihiyong politeistiko. Kinabibilangan ang nilarawang pangkat sa karamihan ng Silanganing mga relihiyon, relihiyon at mitolohiya ng Katutubong mga Amerikano, pati na ang hindi-Abrahamikong mga relihiyong-bayan sa pangkalahatan. Hindi ibinibilang sa mas makitid na mga kahulugan ang anuman sa mga relihiyon ng mundo at hinahangganan ang katawagan sa lokal o rural na mga daloy na hindi naisaayos bilang mga relihiyong sibil. Katangian ng mga tradisyong pagano ang kawalan ng proselitismo at ang pagkakaroon ng isang nabubuhay na mitolohiya na nagpapaliwanag ng gawaing pampananampalataya.[3]

Ang salitang pagano ay isang paghango ng Kristiyano mula sa "hentil" ng Hudaismo, at bilang ganito, mayroon itong kalakip na pagkiling na Abrahamiko, at mga pahiwatig o konotasyong nagpapasama, nagpapalala, o nagpapababa ng antas, kapag nasa piling o inihahambing ng mga monoteistang Kanluranin,[4] na maihahambing sa "hindi-binyagan", taong itinuturing na lapastangan sa relihiyon, o taong nalalabuan ng paniniwala, o kaya "hindi sibilisado" (heathen sa Ingles),[1] at impiyel o taong walang pinaniniwalaang relihiyon o walang relihiyon (katulad ng taong hindi naniniwala sa Kristiyanismo o Islam; Ingles: infidel[1] na kilala rin bilang kafir (كافر) at mushrik sa Islam. Sa kadahilanang ito, iniiwasan ng mga etnolohista (o etnologo) ang salitang "paganismo," dahil sa kawalan ng katiyakan at sari-saring mga kahulugan, sa pagtukoy sa mga pananalig na tradisyonal o makasaysayan, kaya't mas ninanais ang mas tumpak na mga kaurian o kategoryang katulad ng politeismo, shamanismo, panteismo, o animismo; subalit may ibang mga dalubhasang hindi sumasang-ayon sa ganitong mga katawagan dahil, ayon sa kanila, mga aspeto lamang ang mga ito na pinagsasaluhan ng iba't ibang mga pananampalataya at hindi nagpapahiwatig sa mga mismong relihiyon.

Magmula noong hulihan ng ika-20 daang taon, naging malawakan ang paggamit ng pagano o paganismo bilang pansariling katawagang ginagamit na mga sumusunod sa neopaganismo.[5] Bilang ganito, sari-saring makabagong mga iskolar o dalubhasa ang nagsimulang gamitin ang salita sa tatlong magkakahiwalay na mga kapangkatan ng mga pananampalataya: sa politeismong historikal (katulad ng politeismong Seltiko), pambayan/etniko/indihena o katutubo (katulad ng relihiyong-pambayang Intsik at Aprikanong tradisyonal na relihiyon), at neopaganismo (katulad ng Wicca at Hermanikong neopaganismo).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Gaboy, Luciano L. Paganism, paganismo; heathen; infidel; rustic - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-18. Nakuha noong 2009-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-06-18 sa Wayback Machine.
  3. "And it Harms No-one", A Pagan Manifesto Naka-arkibo 2008-12-18 sa Wayback Machine., Janet Farrar & Gavin Bone, 1998.
  4. "Pagan", Encyclopedia Britannica, ika-11 edisyon, 1911, nakuha noong 22 Mayo 2007.[1] Naka-arkibo 2009-11-19 sa Wayback Machine.
  5. "A Basic Introduction to Paganism", BBC, nakuha noong 19 Mayo 2007.

Pananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.