Pumunta sa nilalaman

Pabrika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagawaan)
Pabrika ng Volkswagen sa Wolfsburg, Alemanya

Ang pabrika o pagawaan (Ingles: factory, manufactory, manufacturing plant) ay isang pook na pang-industriya, na karaniwang binubuo ng mga gusali at mga makinarya, o mas karaniwang isang kompleks o kasalimuotan na binubuo ng ilang mga gusali, kung saan ang mga manggagawa ay nagmamanupaktura ng mga kalakal o nagpapaandar ng mga makina na nagpuproseso ng isang produkto upang maging iba pang produkto o mga bagay na maaaring ipagbili. Sa madaling salita, ang pabrika ay isang gusali na ginagamit ng mga kompanya upang makagawa ng iba't ibang mga bagay. Sa karaniwan, ang mga bagay na nililikha ng maramihan sa loob ng mga pabrika. Nangangahulugan ito na ang mga bagay na magkakapareho ay maaaring buuin sa loob ng maiksing panahon.


TeknolohiyaArkitekturaNegosyo Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya, Arkitektura at Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.