Pumunta sa nilalaman

Pagbangga ng Bus sa distrito ng Jalaun noong 2010

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Pagbangga ng Bus sa distrito ng Jalaun noong 2010 ay naganap noong 17 Pebrero 2010 nang ang isang bus na may lulang mga pasahero na tinatayang nasa pitumpo, karamiha'y mga bisita sa kasal, ang bumangga sa Ilog Yamuna mga bandang hatinggabi. Dalawampu't dalawa ang agad na namatay kung saan labingtatlo pa ang hindi nakikita.[1]

Mapa ng Jalaun

Mga bandang hatinggabi ng 17 Pebrero 2010, isang bus na maraming lamang pasahero galing sa isang kasalan ang nawalan ng kontrol sa isang tulay na dumadaan sa Ilog Yamuna sa Distrito ng Jalaun ng Uttar Pradesh sa Indiya. Apatnapu sa mga pasahero ang nakatakas sa pamamagitan ng pagbasag sa bintana, subalit 22 ang agad na binawian ng buhay, samantalang 13 pa ang hindi pa nakikita at pinangangambahang nalunod. Magdamag na nagtrabaho ang mga lokal na awtoridad para maligtas ang mga nakulong sa loob ng bus. Hanggang sa ngayon wala pang balita kung nakaligtas sa aksidente ang ikinasal na nakasakay rin sa naturang bus.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bus crash kills wedding guests". ABC. ABC. 17 Pebrero 2010. Nakuha noong 17 Pebrero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Fatal bus accident strikes Indian wedding party". BBC. BBC. 17 Pebrero 2010. Nakuha noong 17 Pebrero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.