Pumunta sa nilalaman

Bisikleta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagbibisikleta)
Isang pangkaraniwang bisikleta

Ang bisikleta ay isang sasakyang pinapaandar ng lakas ng tao sa pamamagitan ng mga pedal. Mayroon itong dalawang gulong na nakakabit sa balangkas, isa sa likod ng kasama niya. Ang isang gumagamit ng bisikleta ay maaring tawaging bisiklista.

Nagmula ang paggawa ng bisikleta noong ika-19 na siglo at ngayon ay halos 1 bilyon na ang dami nito sa buong daigdig.[1] Ito ay isang pangunahing transportasyon sa iba't ibang rehiyon. Ito rin ay isang kilalang anyo ng paglilibang, at ginagamit bilang laruan ng mga bata, pagpapalakas ng mga matatanda, sa mga gawain ng militar at pulisya, serbisyong padala at palakasan.

Ang anyo ng bisikleta ay hindi gaanong nagbabago mula sa mga unang modelo de kadena ang pagpapaandar na lumabas noong mga 1885.[2] Maraming mga detalye na ang pinainam lalo na sa paglabas ng mga makabagong kagamitan at pagdidisenyong tinutulungan ng kompyuter. Ang mga pagbabagong ito ang nagsagawa ng mga iba't ibang disenyo para sa iba't ibang uri ng pagbibisikleta.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. DidYouKnow.cd. There are about a billion or more bicycles in the world[patay na link], nakuha noong 30 Hulyo 2006.
  2. Herlihy, David V. (2004). Bicycle : the history. Yale University Press. pp. 200–250. ISBN 0-300-10418-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.