Pagguho ng yelo
Ang pagguho ng yelo ay ang dagsa, sagasa, o ragasang pagbagsak at pagbulusok ng malalaki at maramihang mga tipak ng bato o kaya natitibag na putol ng mga namuong tubig o niyebe mula sa itaas ng isang bundok.[1][2] Sa wikang Ingles, tinatawag itong avalanche o snowslide na kadalasang tumutukoy sa isang tipak na pinagsamang niyebe na nakalatag sa isang mas mahinang bahagi ng niyebe at bumigay at dumulas paibaba sa isang matarik na lugar pagkatapos itong gumuho. Ang mga pagguho ng yelo ay kadalasang nangyayari dahil sa pagbigay ng patong-patong na niyebe o snowpack (slab avalanche) kapag masyado ng bumigat ang mga niyebe o kahit lamang sa paglaki ng sakop nito (loose snow avalanche). Pagkatapos nito, ang mga pagguho ng yelo ay kadalasang mas bumibigat at dumarami habang ito ay pababa nang sobrang bilis. Kapag ang pagguho ng yelo ay may sapat ng bilis, ang ilan sa mga niyebe nito ay humahalo sa hangin na nagiging pulbos na pagguho ng yelo o powder snow avalanche na isang uri ng paggalaw na sanhi ng grabidad.
Ang mga tipak ng bato o debris na mahahalintulad sa paggalaw ng niyebe ay maaaring tawaging avalanche (o rockslide[3] na isang uri ng pagguho ng lupa). Ang artikulong ito ay mas nakatuon sa mga pagguho ng yelo kaysa sa pagguho ng bato.
Ang bigat bg snowpack ay maaring sanhi lamang ng grabidad kung saan ang pagguho nito ay dulot ng paghina ng snowpack o ang pagbigat nito gawa ng presipitasyon. Ang mga pagguho ng yelo na nagsisimula sa prosesong ito ay tinatawag na kusang-loob na mga pagguho ng yelo. Ang mga pagguho ng yelo ay maaari ding magmula sa iba pang kondisyon ng pagdagdag ng bigat kagaya ng mga aktibidad ng tao o biyolohikal na mga aktibidad. Ang paggalaw ng lupa ay maaari ding maging sanhi ng pagbigay ng snowpack at ng mga pagguho ng yelo.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Avalanche - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Avalance". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa avalanche Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine. - ↑ "Flows" (sa wikang Ingles). Geology.campus.ad.csulb.edu. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-08-18. Nakuha noong 2013-06-21.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-08-18 sa Wayback Machine.