Pumunta sa nilalaman

Paghahalaman

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Paghahalamanan)
Isang hardinero.

Ang paghahardin[1] o paghahalaman ay isang gawain—ang sining ng pagpapalago ng halaman—na kadalasang ginagawa sa labas o loob ng bahay, sa puwang na tinatawag na hardin. Kung malapit ang hardin[2], sa bahay ng mga tao, harding pantahanan ang tawag dito. Bagaman madalas na makikita ang mga hardin sa lupa na nasa loob, palibot o katabi sa isang bahay, maaari din matagpuan ito sa ibang lugar katulad sa bubong, biranda, sa mga lalagayang kahon ng mga halaman, atrium at patio.

Maaari din na makita ang pagtatanim ng halaman sa ibang lugar na hindi pantahanan katulad ng mga liwasan o parke, publiko at kalahating-publiko na hardin (harding botanikal o harding soolohikal), aliwan at mga liwasang may paksa (parkeng may tema, o mga theme park), kasama ang mga pasilyo ng transportasyon, mga panghalina ng turismo at bahay tuluyan. Sa mga ibang katayuan, pinapanatili ng mga hardinero ang mga hardin.

Kalimitang ginagamit na gabay sa paghahalaman ang isang talaarawang panghalamanan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Gardens and Gardening, pahina 26-52". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Eco-friendly leaf blowers for your garden." Naka-arkibo 2020-08-14 sa Wayback Machine. HomeGearExpert. Hinango noon 27 Abril 2020.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.