Pumunta sa nilalaman

Pang-aalipin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagka-alipin)
Isang dibuhong naglalarawan ng tagpuang nasa isang sinaunang pamilihan ng mga alipin.

Ang pang-aalipin ay isang uri ng sapilitang paggawa na kung saan tinuturing o tinatratro ang isang tao bilang pagmamay-ari ng iba. Inaari ang mga alipin na labag sa kanilang kalooban mula nang sila'y nabihag, nabili o sinilang, at inaalisan ng karapatan na magbakasyon, tanggihang magtrabaho, o tumanggap ng bayad (katulad ng sahod). Maaaring bumilang sa kamakailan lamang gamit ng mga katawagang "pang-aalipin" o "alipin" ang metaporikal at analogong mga gamit na nailalapat sa mga mababang anyo ng sapilitang trabaho.

Mayroong mga patunay ng pang-aalipin bago pa ang mga nasusulat na tala, at mayroon na sa iba't ibang katindihan, anyo at kapanahunan sa halos lahat ng kultura at lupalop.[1] Sa ibang mga lipunan, nagkaroon ng pang-aalipin bilang isang legal na institusyon o sistemang sosyo-ekonomiko, ngunit hindi na ngayon ito pinapahintulot sa batas ng halos lahat ng mga bansa. Gayon pa man, nagpapatuloy pa rin ang kasanayan sa iba't ibang mga anyo sa buong mundo.[2][3]

Kinikilala bilang karapatang pantao ang kalayaan mula sa pang-aalipin. Sinasabi sa Artikulo 4 ng Pangkalahatang Pagpapahayag ng Karapatang Pantao:

No one shall be held in slavery or servitude; slavery and the slave trade shall be prohibited in all their forms.[4]
(Walang sinuman ang aalipinin o bubusabusin; ipinagbabawal ang pang-aalipin at ang kalakalan ng mga alipin sa lahat ng anyo nito.)

Panga-aalipin sa Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Bibliya, ang pang-aalipin ay pinapayagan sa Lumang Tipan(Exodus 21:1-11, Exodo 21:20-21, Deuteronomiya 21:10-14, Exodo 21:1-7, Leviticos 25:44-47) gayundin sa Bagong Tipan(Efeso 6:5, I Timoteo 6:1). Ang mga talatang ito at hindi pagkokondena ng pang-aalipin sa Bibliya ang pangangatwirang ginamit ng mga tagapagtaguyod ng pang-aalipin sa Estados Unidos upang ipagtanggol ang pang-aalipin sa bansang ito.[5][6] Ayon sa Levitico 25:44-47, ang mga Israelita ay pinapayagan na bumili ng alipin na dayuhan. Ang mga anak ng biniling alipin ay maaari ring bilin at gawing alipin. Ang mga ito ay maaaring ipamigay ng bumili sa mga anak nito at gawing alipin. Ayon sa Exodo 21:1-6, ang isang biniling lalakeng aliping Israelita ay pinapayagang lumaya pagkatapos ng anim na taong pagsisilbi sa may-ari nito. Kung ang lalakeng aliping ito ay binigyan ng asawa ng may-ari, ang asawa at mga naging anak nito ay mananatiling pag-aari ng may-ari kahit lumaya na ang lalakeng alipin. Kung ang lalakeng alipin ay ayaw nang umalis dahil mahal nito ang asawa at mga anak at ang amo, ito at ang pamilya nito ay habang buhay na magiging alipin. Ayon naman sa Exodo 21:7, ang babaeng ipinagbili ng ama nito bilang alipin ay hindi maaaring palayain tulad ng isang aliping lalake. Ayon sa Deuteronomiyo 21:10-14, ang isang nabihag na babae na kaaway ng mga Israelita sa digmaan ay maaaring pakasalan at sipingan kung ito ay magugustuhan. Kung ayaw na ng lalaki sa babaeng bihag, ito ay pinapayagang lumaya. Ayon sa Exodos 21:26-27, ang mga alipin naman na nabulag o nabungi ng amo nito ay palalayain bilang kabayaran sa pinsalang natamo sa amo nito. Ayon sa Exodo 21:20-21, kung ang isang aliping babae o lalake ay sinaktan ng amo at ito ay namatay, parurusahan ang amo. Ngunit kung ang alipin ay nabuhay ng isa o dalawang araw, ang amo ay hindi parurusahan dahil ari-arian nito ang alipin.

Sa Bagong Tipan, sa halip na kondenahin ang pang-aalipin kay Onesimus na nakilala ni Apostol Pablo ay ibinalik ito ni Pablo sa panginoon nitong isa ring Kristiyano na si Filemon. Ayon kay Diarmaid MacCulloch sa kanyang aklat na A History of Christianity, ang sulat kay Filemon ay "isang dokumentong saligan sa pangangatwiran ng pang-aalipin".[7] Inutos rin ni Pablo sa mga Kristiyanong alipin na maging matapat sa kanilang mga panginoon na Kristiyano.(Efeso 6:5-9, I Timoteo 6:1-3).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Historical Survey: Slave-owning societies (Makasaysayang pagsisiyasat: Mga lipunang may alipin), Encyclopædia Britannica
  2. UN Chronicle | Slavery in the Twenty-First Century
  3. BBC Millions 'forced into slavery'
  4. "The law against slavery". Religion & Ethics - Ethical issues. British Broadcasting Corporation. Nakuha noong 2008-10-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Stringfellow, A Scriptural defense of slavery, 1856
  6. Raymund Harris, Scriptural researches on the licitness of the slave, (Liverpool: H. Hodgson, 1788)
  7. Diarmaid MacCulloch, A History of Christianity, 2009 (Penguin 2010, p. 115), ISBN 978-0-14-102189-8