Pumunta sa nilalaman

Pagka-inggit sa titi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ayon sa sikoanalisis na Freudiano, ang panaghili sa may titi, pagka-inggit sa may titi, pangingimbulo sa may titi, pagseselos sa may titi, o panibugho sa may titi (Ingles: penis envy) ay ang isinateoriyang gantingkilos o reaksiyon ng isang batang babae noong kanyang panahon ng sikoseksuwal na pag-unlad dahil sa pagkaalam, pagkatuklas, o realisasyon na siya ay walang titi. Itinuring ni Sigmund Freud ang pagkaalam na ito ng isang katotohanan bilang isang mahalagang yugto sa pag-unlad ng katauhang pangkasarian at seksuwal para sa mga babae. Ayon kay Freud, ang katumbas na reaksiyon ng mga batang babae sa ganitong realisasyon na wala nga silang titi, na para sa mga batang lalaki ay ang tinatawag na pagkabahala sa pagkaputol ng titi at bayag (pagkabalisang pangkastrasyon). Sa pangkasalukuyang kultura, ang katagang "panaghili sa titi", at iba pang mga anyo nito, ay paminsan-minsang tumutukoy - maaaring hindi tumpak na tumapk o patalinghaga (metapor) para sa mga babaeng pinaghihinalaan o ipinapalagay na nagmimithi na sila ay mga lalaki.[1]

Ang diwang sikoanalitikal ng pagka-inggit sa may titi ay walang kaugnayan sa "sindroma ng maliit na titi" o "sindroma ng munting titi" na isang pagkabalisa ng pag-isip na ang titi ng isang tao ay napakaliit.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]