Pagpapatuwid
Ang sistema ng pagpapatuwid, sistemang pampatuwid, sistemang pangwasto, sistemang pantama, sistemang pangtama, o sistemang koreksiyonal ay isang lambat-lambat o network ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan at sistema ng parol o pagpapalayang may kundisyon sa loob ng isang hurisdiksiyon (kalubkob o nasasakupan).[1][pahina kailangan] Ang mga baha-bahagi ng sistema ng katarungang pangkrimen na isinasagawa upang parusahan ang mga kriminal na lumalabag sa batas ay kinasasangkutan ng pagkakait ng buhay, kalayaan, o pag-aari pagkaraan ng karampatang proseso ng batas. Ang mga sintensiya o hatol ng hukuman na ipinapataw sa mga lumalabag ng mga batas ay sumasaklaw sa probasyon (panahon ng pagsubok) hanggang sa paglalagi sa bilangguan sa loob ng ilang panahon, na may nakapagitang mga sanksiyon (iba pang mga kaparusahan), kasama na ang sintensiya sa paglalagi sa isang programa ng pampatuwid sa isang pamayanan, pagpapakulong sa bahay, at pagmamatyag na elektroniko. Ang mga parusang pampananalapi ay maaaring may multa, pagreremata (pagpeprenda), at restitusyon (pagsasauli sa may-ari). Sa ilang mga bansa, kasama na ang ilang mga bansa sa Kanluran noong mga nakalipas na panahon, kabilang din sa sistemang koreksiyonal ang kaparusahang korporal o parusang pangkatawan na inutos ng hukuman.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.