Pumunta sa nilalaman

Pagpatay sa magkapatid Maguad

Mga koordinado: 6°57′N 124°53′E / 6.95°N 124.88°E / 6.95; 124.88
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagkitil sa magkapatid na Maguad
#Justice for Maguad sibling
Ang M'lang kung saan natagpuang utas ang magkapatid na Maguad sa kanilang tahanan
Oras14:14:00
Petsa10 Disyembre 2021; 3 taon na'ng nakalipas (2021-12-10)
LugarBo. Bagontapay, M'lang, Cotabato, Pilipinas
Mga koordinado6°57′N 124°53′E / 6.95°N 124.88°E / 6.95; 124.88
Urisaksak sa leeg ang natamo
Mga sangkotdi bababa sa 3 lalaki
Mga namatayCrizzlle Gwynn O. Maguad †
Crizvlle Louis O. Maguad †
Libing20 Disyembre 2021; 3 taon na'ng nakalipas (2021-12-20)
IpinaratangJanice Sebial (salarin)
Esmeraldo Canedo Jr. (salarin)
Mga bintangPagkakapiit
Araw ng Pagsilang: 24 Hulyo 2003 (Gwynn)
19 Marso 2005 (Louis)

Noong 10 Disyembre 2021, lagpas alas 2 ng hapon nang natagpuan ng ama na si Mr. Cruz Maguad na wala nang buhay ang kanilang dalawang anak sa sarili nilang tahanan sa Purok San Isidro, Brgy. Bagontapay, bayan ng M'lang sa Cotabato na kinilalang sina Crizzlle Gwynn at Crizvlle Louis "Boyboy" Maguad.

Bandang alas 3 nang dumating ang ama ng mga nasawi, na ang tatlong naiwan sa bahay ng mga oras na iyon ay ang kaniyang dalawang anak na nasawi at ang kinupkop na si Janice Sebial Emuelin na nanggaling pa sa Kidapawan kung saan ito nanuluyan noong Hulyo 2021.[1][2]

Disyembre 10, alas 3 ng hapon nang si Janice "Christine" Sebial na lamang ang nakitang natirang buhay sa bahay ng mag-anak Maguad. Nakitang basa pa ang kaniyang buhok at mula sa pagkaligo at aniya ay sabay tawag na "Mama" at "Papa" na isang ulit tinawag sa dalawang magulang. Nag-ugat ang pangyayari nang magsimulang kupkupin si "Christine." Siya ay nakilala ni Gwynn sa isang paaralan sa Kidapawan. Ayon kay Gwynn, bigyan pa ng isang pagkakataon si "Janice" sa nagawa nitong kasalanan. Sapagkat, si Janice ay nangulimbat umano ng mahigit na 10 libong piso na inilagay sa isang bag at ipangbibili ng cellphone at inonline selling, bagamat kalaunan ay ibabalik naman daw ang perang nakuha. Alam ng panganay na si "Gwynn" na nagnakaw nga ito ng pera dahil sa pagkainggit sa magkapatid. Si Sebial ay isang 16 taong gulang at isang babaeng working student na inampon ng mag-anak Maguad.[3]

Janice Sebial

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Janice Sebial Emuelin a.k.a "Christine" (ipinanganak noong 2005), ay tubong Kidapawan na isang babaeng working student na kinupkop ng mag-anak Maguad, noong taong 2021.

Gwynn Maguad †

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Gwynn Maguad
Kapanganakan
Crizzlle Gwynn Orbe Maguad

24 Hulyo 2003(2003-07-24)
Kamatayan (edad 18)
Bagontapay, M'lang, Cotabato
DahilanPagkasaksak
LibinganLibingan ng M'lang
EdukasyonPamantasan ng Pilipinas, Mindanao, kursong Nursing
Trabahomag-aaral

Si Crizzlle Gwynn Maguad ay isinilang noong 24 Hulyo 2003 sa bayan M'lang sa Hilagang Cotabato. Siya ang panganay na babaeng anak nina Mrs. Lovella Orbe Maguad at Mr. Cruz Maguad at siya ay isang mag-aaral ng Pamantasan ng Mindanao at kumukuha ng kursong Nursing, Doctorine.

Louis Maguad †

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Louis Maguad
Kapanganakan
Crizvlle Louis Orbe Maguad

19 Marso 2005(2005-03-19)
Kamatayan (edad 16)
Bagontapay, M'lang, Cotabato
DahilanPagkasaksak
LibinganLibingan ng M'lang
EdukasyonM'lang Integrated School

Si Crizvlle Louis Maguad ay isinilang noong 19 Marso 2005 sa bayan M'lang sa Hilagang Cotabato ay ang pangalawang anak nina Mrs. Lovella Orbe Maguad at Mr. Cruz Maguad. Siya ay isang mag-aaral ng M'lang Integrated School sa Baitang 10.

Nang matagpuang wala nang buhay ang dalawang magkapatid na Maguad ay tinabunan ng tuwalya ang dalawa, habang ang naiwan na si Janice ay kagagaling lang sa palikuran. Ika ni Janice "Christine" ay habang nag-momodule sila ni Gwynn ay nagsisigaw si Louis na may umatake umanong 3 lalaki na nagtatangkang manghimasok sa kanilang tahanan. Ang patalim umano na ginamit sa krimen ay martilyo at isang "baseball bat" na natagpuan sa loob ng bahay ng mag-anak Maguad, na sina Gwynn at Janice lang ang nakakaalam kung saan nilagak ng ama na si Mr. Cruz.

Ayon sa Kidapawan Police sa "Crime Scene" ay may nakitang mga damit at saplot pang-ibaba malapit sa isang irigasyon, di malayo sa tahanan ng mag-anak Maguad, habang sinisiyasat ang pangyayari, nakita ang finger print sa baseball bat na tumugma sa finger print ni Janice "Christine". Si Janice lamang ang kasama ng dalawang magkapatid ng mga oras na iyon, at may iilang ugnayan sa Messenger si Janice sa kaniyang kaibigang kausap. Ayon pa sa mga pulis ng M'lang ay bali-baliktad ang salaysay ni Janice na ang unang nakitil ay ang kapatid na lalaki, ngunit ang unang katawan na nakita ay si Gwynn at sunod na si Louis na sariwa ang katawan. Siya ay nasa pagbabakay na ng DSWD M'lang sa edad na 16 ayon sa juvenile law upang hatulan habang umuusad ang kaso.[4]

Noong ika-24 ng Mayo, 2022, humarap ang mag-asawang Maguad, na sina Mrs. Lovella at Mr. Cruz, sa bakayan[a] ng Kidapawan Pulis. Aniya ng DSWD, hinaharap ng salarin na si Janice ang humigit-kumulang 9 hanggang 34 na taong pagkakabilanggo. Wala pa aniyang malinaw na sagot ang mga mag-anak ng salarin, maging ang DSWD Kidapawan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Maguad Family Adopted Janice Found Guilty For The Siblings' Murder". PhilNews.ph. 20 Disyembre 2021.
  2. "One Mindanao: Maguad Siblings Murder Case". GMA Regional TV. 16 Disyembre 2021.
  3. "Maguad Siblings Mother to Public: 'Wag i-underestimate ang 18 yrs old". PhilNews.ph. 21 Disyembre 2021.
  4. "Adopted 'survivor' admits to siblings' killing". The Manila Times. 20 Disyembre 2021.
  1. kustodiya