Pumunta sa nilalaman

Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa DSWD)
Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan
Department of Social Welfare and Development
PagkakatatagNobyembre 1, 1939
KalihimRolando Joselito D. Bautista
Salaping GugulinP3.557 bilyon (2007)
Websaytwww.dswd.gov.ph

Ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan[1] (Ingles: Department of Social Welfare and Development o DSWD) ay ang kagawarang tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pangangalaga ng karapatan ng bawat Pilipino sa kagalingang panlipunan at sa pagpapayabong ng pag-unlad ng lipunan.

Punong tanggapan ng DSWD sa Metro Manila

Noong 1915, ang Tanggapan ng Pampublikong Kapakanan o ang Public Welfare Board(PWB) ay nilikha at inatasan na mag-aral, mag-ugma at magnuntunan sa lahat ng pamahalaan at pribadong mamamayan na nakikibahagi sa mga serbisyong panlipunan.

Noong Nobyembre 1, 1939, ang Batas Komonwelt Blg. 439 ay lumikha ng Kagawaran ng Kalusugan at Pampublikong Kapakanan at noong 1941, opisyal na naging bahagi ng Kawanihan ng Kalusugan Pampublikong Kapakanan ang Tanggapan ng Pampublikong Kapakanan. Bilang karagdagan sa pag-uugnay sa mga serbisyo ng lahat ng pampubliko at pribadong institusyon sa kapakanan ng lipunan, pinamamahalaan din ng Kawanihan ang lahat ng mga pampublikong institusyon na nag-aalaga sa bata at ang pagkakaloob ng mga serbisyo sa kapakanan ng bata.

Noong 1947, ipinawawalang-bisa ni Pangulong Manuel Roxas ang Tanggapan ng Pampublikong Kapakanan at ginawang Social Welfare Commission o Komisyon ng Pagpapaunlad Panlipunan at inilagay sa tanggapan ng Pangulo.

Taong 1968, ipinangalang ang ahensya na Kagawaran ng Pagpapaunlad Panlipunan o Department of Social Welfare. Noong 1976, ipinangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang ahensya na Kagawaran ng Serbisyong Panlipunan at Kagalingan, na naging ministro noong 1978. Naging DSWD o Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan sa utos ni Pangulong Corazon Aquino noong 1987 mula sa Kautusang Tagapagpaganap bilang 123, at noong 1991, ang mga serbisyo ng DSWD ay binigay responsibilidad sa mga pamahalaang lokal.

Tala ng mga Kalihim/Ministro ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

(*) Pansamantalang Tagapamalakad (**) Sabay na ginagampanan bilang Pangulo

Bilang Pangalan Buwang Nagsimula Buwang Nagtapos Pangulong pinaglingkuran
Ministro ng Kagalingan
1 Gracio Gonzaga Enero 21, 1899 Mayo 7, 1899 Emilio Aguinaldo
Kalihim ng Panutong Pambayan, Kalusugan, at Kagalingang Pambayan
2 Sergio Osmeña Disyembre 24, 1941 Agosto 1, 1944 Manuel Quezon
Kalihim ng Katarungan, Paggawa at Kagalingan
3 Honorario Poblador, Sr. Agosto 1, 1944 Disyembre 25, 1944 Sergio Osmeña
* Mariano A. Eraña Disyembre 25, 1944 Pebrero 17, 1945
Kalihim ng Kalusugan at Kagalingang Pambayan
4 Basilio Valdes Pebrero 17, 1945 Nobyembre 10, 1945 Sergio Osmeña
5 Jose Locsin Nobyembre 10, 1945 Mayo 28, 1946
6 Antonio Villarama Mayo 28, 1946 Disyembre 30, 1953 Manuel Roxas
Elpidio Quirino
Ministro ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
7 Slyvia Montes 1978 1986 Ferdinand Marcos
Kalihim ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
8 Mita Pardo de Tavera 1986 Hunyo 30, 1992 Corazon C. Aquino
9 Corazon Alma De Leon Hunyo 30, 1992 Hunyo 30, 1995 Fidel V. Ramos
10 Lilian Laigo Hunyo 30, 1995 Hunyo 30, 1998
11 Gloria Macapagal-Arroyo Hunyo 30, 1998 Oktubre 10, 2000 Joseph Ejercito Estrada
12 Dulce Saguisag Oktubre 10, 2000 Enero 20, 2001
13 Corazon Soliman Enero 20, 2001 Hulyo 8, 2005 Gloria Macapagal-Arroyo
14 Luwalhati Pablo Hulyo 8, 2005 Hulyo 20, 2005
15 Esperanza Cabral Hulyo 21, 2005 2009
16 Celia Yangco 2009 Hunyo 30, 2010
17 Corazon Soliman Hunyo 30, 2010 Hunyo 30, 2016 Benigno S. Aquino III
18 Judy Taguiwalo Hunyo 30, 2016 Agosto 16, 2017 Rodrigo Duterte
* Emmanuel Leyco Agosto 19, 2017 Mayo 9, 2018
* Virginia Orogo Mayo 10, 2018 Oktubre 16, 2018
19 Rolando Joselito Bautista Oktubre 17, 2018 Hunyo 30, 2022
20 Erwin Tulfo Hunyo 30, 2022 Disyembre 12, 2023 Bongbong Marcos
* REX Gatchalian Enero 31, 2023 Kasalukuyan

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Septiyembre 23, 2021. Nakuha noong Marso 27, 2018. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)