Pumunta sa nilalaman

Pagpili

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagpili ay kinakasangkutan ng pagpapasya na maaring kinabibilangan ng paghusga ng merito o pagtitimbang ng maraming pagpipilian at pagpili ng isa o higit pa.

Bahagi ng isang pasya ang masusing pagpili: pagtitimbang sa mga pagpipilian at pagpili ng isa o higit pa rito. Maaaring pumili sa pagitan ng mga hinuha o sa mga konkretong konsepto na may kaakibat na karampatang gawain. Halimbawa, maaaring pumili ang isang manlalakbay ng daan na pinakamalapit sa kanyang paroroonan. Ang napiling daan ay maaaring galing sa mga salik tulad ng layo ng bawat daanan, bigat ng trapiko at iba pa. Kung isang matinding dahilan ang nagtulak sa isang indibiduwal sa pagpili ng pasya, mas magtatalo ang pag-unawa, hinala at emosyon.

Ang pagpili ng pagkain para sa hapunan o kung ano ang maaaring isuot sa isang Sabadong umaga ay mga halimbawa lamang ng mga simpleng pasya na kaunti lamang ang epekto sa buhay ng nagpapasya. Ilan naman sa mga mahihirap na pasya ay ang pagpili ng iboboto tuwing halalan, pagpili ng propesyong tatahakin, mapapangasawa at iba pa – mga pasya na mula sa iba't ibang impluwensya at may mas malawak na pagsasanga ng mga bagay.

Karamihan ay nakikita ang pagpili bilang isang mabuting bagay, subalit ang isang napakalimitado o tila may hadlang na pasya ay maaaring humantong sa pagkalito sa pagpili at maaaring magkaroon ng nakakadismayang resulta. Sa kabilang banda, ang pasyang may iba't ibang pinagpipilian ay maaaring magdulot ng pagkalito, pagsisisi sa ibang alternatibo na hindi pinili at pagsasawalang-bahala sa hindi maayos na pamumuhay. Maaari ding magdulot ng problema sa pag-iisip ang takot na, kaakibat ng pagpili ng isang bagay o landas, ang pangangasiwa ng mga ito.