Pumunta sa nilalaman

Trapiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Binubuo ang trapiko ng mga taong naglalakad (o pedestre), sasakyan, sinasakyan o pinapastol na hayop, tren, at iba pang mga behikulo na gumagamit ng mga publikong daanan (mga lansangan) para sa paglalakbay at transportasyon.

Napapamahalaan at inaayos ang trapiko ng mga batas trapiko, habang kabilang sa mga patakaran sa lansangan ang mga batas trapiko at patakarang impormal na maaaring nalikha sa paglipas ng panahon upang mapagaan ang maayos at napapanahong daloy ng trapiko.[1] Sa pangkalahatan, mayroon ang organisadong trapiko ng matatag na priyoridad, landas (o lane), karapatan sa daanan (o right-of-way), at kontrol sa trapiko sa mga interseksyon.

Etimolohiya at mga uri

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kasikipan sa St. Louis, Missouri, Estados Unidos noong unang bahagi ng ika-20 dantaon

Orihinal na nangangahulugan ang salitang trapiko bilang "kalakalan" (na hanggan sa ngayon din naman) at nagmula sa Lumang Italyanong pandiwa na trafficare at ang pangngalan na traffico. Hindi malinaw ang pinagmulan ng mga salitang Italyano. Kabilang sa mga mungkahi ang Katalan na trafegar na nangangahulgang "isalin" o "ibuhos",[2] isang pinalagay ng Bulgar na Latin na pandiwang transfricare na ibig sabihin 'ikiskis sa kabilang panig',[3] isang pinalagay na Bulgar na Latin na pinagsama-sama ang trans- at facere na 'yariin o gawin',[3][4] ang Arebeng tafriq na nangangahulugang 'pamamahagi',[3] at ang Arabeng taraffaqa, na maaring nangangahulugang 'humanap ng tubo'.[4] Sa malawak na kahulugan, sinasaklaw ng katawagan ang maraming uri ng trapiko kabilang ang trapiko sa network ng kompyuter, trapikong panghimpapawid, trapikong pandagat, at trapikong panriles, subalit kadalasang ginagamit ito upang tukuyin lamang ang trapiko sa lansangan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Traffic definition and meaning | Collins English Dictionary". www.collinsdictionary.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-01-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "traffic". American Heritage Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-Fifth (na) edisyon). 2013. Nakuha noong 23 Marso 2014.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Harper, Douglas (2001–2014). "traffic (n.)". Online Etymological Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Marso 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "traffic, n.". OED Online (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Marso 2014.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)