Pumunta sa nilalaman

Pagpipiket

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagpipiket ay isang paraan ng pagprotesta kung saan ang mga indibidwal ay nakatayo sa labas ng lugar na pinagtatrabahuhan o organisasyon upang ipahayag ang isyu ng pagtatalo sa paggawa, at hikayatin ang mga empleyado o mga customer na pigilin ang kanilang trabaho o negosyo. Ito rin ay nagbibigay-daan upang ipaalam sa publiko ng mga nagpipiket ang pagkakaroon ng isang welga, ang mga impormasyon tungkol sa kontrobersya, at ang mga katotohanan tungkol sa kanilang panig ng hindi pagkakaunawaan. Ang mga nagpipiket ay karaniwang may mga karatula kung saan nakasaad ang kanilang mga hinaing.

Mayroong dalawang uri ng pagpipiket ayon sa lugar kung saan ito idinaraos. Ang pangunahing pagpipiket ay ginaganap sa lugar kung saan naroon ang opisina ng pinagtatrabahuhan kung kanino ang mga nagpipiket ay may hindi pagkakaunawaan. Ginagawa ito bilang panggigipit sa taong pinagtatrabahuhan. Ang sekundaryang pagpipiket ay kadalasang idinaraos sa lugar na kinaroroonan ng opisina ng isang tagapag-empleyo na kasama sa negosyo ng taong pinagtatrabahuhan ng mga nagpipiket kung kanino ang mga ito may hindi pagkakaunawaan. Ito ay para gipitin ang kasama sa negosyo ng taong pinagtatrabahuhan.[1]

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walang legal na karapatan sa pagpipiket sa Inglatera, Scotland at Gales subalit kinikilala bilang isang legal na aktibidad ang pagdalo sa isang mapayapang pagpipiket.[2] Nakasaad sa Code of Practice sa picketing na karaniwan ay hindi dapat hihigit sa anim na tao ang nagpipiket sa labas ng pasukan ng isang lugar ng trabaho. Ayon sa batas, kriminal na pagkakasala ang: (a) paggamit ng pananakot o mapang-abusong pag-uugali sa mga taong dumadaan o tumatawid sa lugar ng pagpipiket o picket line; (b) pagharang sa mga tao o sasakyan na sumusubok makapasok sa lugar ng trabaho kung saan may mga nagwewelga; (c) magdala ng mga armas; (d) makapinsala sa mga ari-arian; (e) magdulot o magbanta na magdulot ng paglabag sa kapayapaan; (f) subukang harangan ang mga kalsada malapit sa lugar ng pagpipiket o picket line; (g) subukang pigilan ang mga pulis, na nasa labas ng lugar ng pinagtatrabahuhan ng mga nagpipiket, na gawin ang kanilang mga trabaho.[3]

Bahagi ng pangunahing karapatan sa pagpapahayag at pagpupulong sa Canada ang karapatang mag-piket. May karapatan ang mga manggagawa na pagpiket sa lugar ng kanilang mga pinagtatrabahuhan o sa mga lugar ng mga kumpanya na may kinalaman sa kanilang pinagtatrabahuhan.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "picketing". Cornell Law School Legal Information Institute (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. "Code of Practice on Picketing" (PDF). www.gov.uk. Marso 2024. Nakuha noong Mayo 18, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. "Taking part in industrial action and strikes". GOV.UK (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. "The Right to Picket Statement | Unifor". www.unifor.org (sa wikang Ingles). 2022-01-03. Nakuha noong 2024-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)